PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

80 adopted cats and dogs, bida sa mga major celebrations ng couple

Kasama sa prenup shoot, kasal, at gender-reveal party.
by Chan-Chan Torres
Published Mar 31, 2023
couple and dogs
Doting fur parents. Tiniyak ng mag-asawang June Lacuesta at Mariz de Mesa na bahagi ng milestones nila sa buhay ang kanilang fur babies. Mula prenup pictorial (center), wedding (inset, left), at gender-reveal party ng kanilang baby (inset, right), tmpok ang kanilang 80 rescued and adopted dogs and cats.
PHOTO/S: Facebook (June Lacuesta) / Aspin at Tapat

Karamihan sa mga Pilipino, aso at pusa ang karaniwang mga alaga at kasama nila sa bahay.

Yung iba, mas gust nila ng mga ibon, isda, at iba pang mga hayop.

Pero ang couple na sina June Lacuesta at Mariz de Mesa, 80 ang bilang ng kanilang fur babies, na ni-rescue at in-adopt.

At lahat sila ay laging kasama sa milestones nina June at Mariz.

Read:

80 Rescued Dogs and Cats

Mula sa prenup shoot, wedding, hanggang sa gender reveal ng kanilang first baby—kasama sa photo shoot ang mga aso at pusa.

Ang kanilang mga aspin, huwag isnabin dahil kasama rin sila sa mga lakad, hindi lamang sa mga ganap sa buhay ng dalawa.

Naitampok ang kanilang big happy family sa 24 Oras ng GMA News.

Agaw-pansin kasi ang kanilang prenup shoot na ginanap sa Lucena City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ay kumalat sa social media ang photos na kuha sa kanilang actual wedding ceremony.

animals

GENDER REVEAL WITH ASPINS

Patok sa animal lovers ang pa-gender reveal kung saan bida ang mga aspin nina June at Mariz.

Sa interbyu ni June sa CNN Philippines, sinabi niya na, “Ang Aspin kasi ang gusto naming pagtuunan ng pansin sa lahat ng breed kasi feeling namin, mas kailangan nila kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Karamihan sa aspin ay neglected. Matatalino ang mga aspin.”

At kung yung iba ay nawawalan na ng oras sa mga alagang hayop kapag nadadagdagan ang miyembro ng pamilya, ibahin natin ang soon-to-be parents na ito.

Talagang full participation pa ang mga alaga nila sa party.

Sa Tiktok post nila noong March 19, 2023, makikita ang ginanap na gender-reveal party.

Itinali ang blue ribbon sa 63 nilang aspins. So, alam na agad ang gender, di ba?

ANIMAL WELFARE ADVOCATES

Ayon kay Mariz, 2011 siya unang nag-adopt ng dalawang aso.

Hanggang sa nagpatuloy na ang pag-rescue niya ng iba pang mga aso,

Pangako raw niya sa sarili, dapat makasama niya ang mga alaga hanggang sa magkaroon na siya ng sariling anak.

At ito naman ay natupad.

Kita niyo, kabilang pa ang rescued dogs niya sa paghahatid ng balita sa lahat!

Sa ngayon, merong 63 dogs at 17 rescued cats or a total of 80 pets ang mag-asawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

gender reveal dogs

CARING FOR YOUR PETS

Ayon kay Atty. Heidi Marquez-Caguia, program director ng Animal Kingdom Foundation, “Napakaraming factors kung bakit tayo nagkakaroon ng attachment sa aso, pusa o kahit anong mga pets.

“Unang- una po rito ang tinatawag nating companionship.”

Pero may paalala ang mga eksperto na sa pagkuha ng pets, laging may kaakibat itong responsibilidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito basta kukunin mo lang at itatambak mo o itatali sa isang tabi dahil maingay o dahil kulang ang oras mo.

Dapat bago kumuha ng aalagaang hayop, desidido ka sa mga magiging responsibilidad sa kanila.

Dagdag pa ni Atty.Caguia, “Ang responsible pet ownership requires the individual not just to love but to support the animal. To give it proper care, proper shelter and medication.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Doting fur parents. Tiniyak ng mag-asawang June Lacuesta at Mariz de Mesa na bahagi ng milestones nila sa buhay ang kanilang fur babies. Mula prenup pictorial (center), wedding (inset, left), at gender-reveal party ng kanilang baby (inset, right), tmpok ang kanilang 80 rescued and adopted dogs and cats.
PHOTO/S: Facebook (June Lacuesta) / Aspin at Tapat
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results