PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Artist's Post on Portrait Work Pay

Pumayag kaya ang artist na si Chaboy Dela Cruz?
by KC Cordero
Published May 3, 2023
Chaboy Dela Cruz and his artwork
Nagulat ang artist na si Chaboy Dela Cruz sa kakaibang deal sa kanya ng isa niyang client. “Send-an ba naman ako ng Bible verse, so, paano pa ako tatanggi niyan, Ante?” (Photos courtesy of Chaboy Dela Cruz)

Nag-trending ang post ni Chaboy Dela Cruz sa kanyang Facebook account last May 1, 2023, tungkol sa isa niyang kliyente na nagpapa-drawing sa kanya ng portrait.

Isang artist si Chaboy, at naninirahan sa Taytay, Rizal.

Chaboy Dela Cruz and his artworks

Read also: Estudyanteng gutom na, kinain ang saging artwork worth PHP6M

Ang kliyente na tinawag niyang "Ante" (Auntie) ay nagpadala sa kanyang Twitter account ng message kalakip ang dalawang larawan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon sila ng palitan ng mensahe.

Tanong ni Ante, "Anak, ano ang maganda riyan sa dalawa?"

Sagot ni Chaboy, "Para po saan?" Agad niyang dinugtungan ng, "Yung pangalawa po."

Pakli ni Ante, "Okey, sige. Idrowing mo yan. Hihintayin ko sa Miyerkules."

Tanong ni Chaboy, "Magbabayad po kayo?"

Ani Ante, "Kailangan ba?" Nagpadala rin ito ng thumbs up.

Read also: Street musician hindi akalaing makaka-duet si Ebe Dancel

Kasunod nito ay nagpadala si Ante ng Bible verse na hango sa aklat ng Mga Hebreo 13:5-8 na nagsasabing: "Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo."

Hirit pa ni Ante, "'Nak, huwag mong hayaang isangla ang kaluluwa mo kay Satanas para lang sa kapirasong pera."

Paliwanag naman ni Chaboy, "Ay, hindi naman po sa ganun. Need po talaga nating magbayad kapag magpapagawa po tayo ng portrait.

"Puwede ko naman po kayong bigyan ng discount, huwag lang pong free."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi nagpapigil si Ante, "Idrowing mo na yan, anak. Ipag-pray over kita.

"Ano ang totoo mong pangalan?"

Read also: Quezon City underpass tampok ang makulay na art exhibit

Chaboy Dela Cruz's post

Read also: Barbie doll na may Down syndrome, inilunsad

Wala nang idinagdag si Chaboy sa kanilang naging pag-uusap ni Ante.

Nilagyan niya ang post ng caption na, published as is: “Sendan ba naman ako ng bible verse, so pano pa ko tatanggi nyan ante?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Habang sinusulat ang artikulong ito, ang post ni Chaboy ay nakakuha na ng mahigit 86K reactions, 5K comments, at 47K shares.

Apparently, madalas na topic ito—ang pagpapa-drawing nang libre—sa mga art groups at sa sirkulo ng mga artists.

Kung pagbabasehan ang sample work ni Chaboy, mabusisi ang kanyang portrait, at kopyang-kopya ang larawan ni Kathryn Bernardo.

Read also: "Charles & Keith Girl" Zoe Gabriel, nagpapanggap nga lang ba na poor?

Chaboy Dela Cruz's artwork

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also; Paano kumikita ang buskers? Alamin kay Teri, isang street musician

Narito naman ang ilang comments sa Facebook post ni Chaboy.

May isang netizen ang nag-remind na pinagkakakitaan ni Chaboy ang pagdo-drawing.

“Hayst, misusing the Bible verse and misinterpeting it. Naghahanapbuhay lang po si Kuya para bandang huli, aangat na siya sa buhay niya at makaahon mula sa kahirapan.”

May nagsabi ring slot sa heaven ang bayad sa kanya ni Ante.

Read also: Meet Joneil Severino, the amazing giant-leaf artist

Suggestion ng iba ay ipag-pray over din ni Chaboy ang mga kliyenteng gusto ng libreng artwork.

May nagmungkahi ring mag-reply si Chaboy with another Bible verse, gaya ng nasasaad sa Romans 13:7: “Give to everyone what you owe them: If you owe taxes, pay taxes; if revenue, then revenue; if respect, then respect; if honor, then honor.”

Read also: Imahe ng Santo Entierro na dala ng pari, inakalang salvage victim ng mga pulis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Comments at Chaboy Dela Cruz's post

Read also: "Gifted child" Shaira Luna, no regrets kahit hindi naging doctor o scientist

Gayunpaman, noong Mayo 2 ay tinuldukan na ni Chaboy ang isyu.

Sa kanyang Facebook post, pakiusap niya sa netizens, “Hindi naman sa pangungunsinti, pero pagbigyan na natin, mga lods.

“Since nag-viral yung post, dumami talaga ang kliyente ko, so it benefits me! “

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Suklian na lang natin ng kabutihan kahit na medyo hindi maganda ang naging approaching niya at first.

“Medyo touch din ako kasi kahit na ang daming negative comments against her, hindi man lang siya nagalit sa akin.

“So, yung simpleng libreng drawing para sa kanya ay maliit na bagay lang naman para sa akin.”

Nag-"Amen!" naman sa kanya ang netizens, at pinuri sa kanyang pagiging generous at cool.

Read also: Art piece worth PHP2.3M, aksidenteng nabasag ng isang ale sa exhibit

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat ang artist na si Chaboy Dela Cruz sa kakaibang deal sa kanya ng isa niyang client. “Send-an ba naman ako ng Bible verse, so, paano pa ako tatanggi niyan, Ante?” (Photos courtesy of Chaboy Dela Cruz)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results