PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Taylor Swift fan's water breaks during concert

"People say that I started my new era as being a mother.”
by KC Cordero
Published Jul 7, 2023
Taylor Swift in concert
Bukod sa napanood ni Tori Hedges ang idol na si Taylor Swift sa Cincinnati leg ng Eras Tour, nang araw ring iyon niya isinilang ang kanyang baby boy.

Isang fan ni Taylor Swift ang nanganak habang nanonood ng Cincinnati leg ng The Eras Tour.

Naganap ang kakatwang insidente noong July 1, 2023.

Ayon sa “Swiftie” na si Tori Hedges (nasa kaliwa sa larawan sa ibaba), ilang linggo pa dapat bago siya manganak kaya malakas ang loob niyang manood ng concert kasama ang isang kaibigan.

Tori Hedges with her friend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang-masaya siya, at maganda ang naging puwesto niya sa upper section sa gilid ng Paycor Stadium.

Hindi niya inaasahang may mas malaking event sa buhay niya na mangyayari noong gabing iyon.

Sa panayam ng WBTV, isang TV station sa Charlotte, North Carolina, ani Tori, “And luckily was able to make it for the most part."

Nang matapos na ang concert, pababa na siya sa benches nang maramdamang pumutok ang kanyang panubigan.

At that time, wala pang 20 minuto na nakakaalis si Taylor sa stage.

“That's when I was like, 'I think, I think I got to go to the bathroom.'"

Read: VIRAL: Babaeng rider na tuwang-tuwa sa nakuhang 5-star rating mula sa pasahero

SWIFTIES TO THE RESCUE

Nang ma-realize umano ng kasamang kaibigan na baka manganganak na si Tori, nag-freak out ito.

At sa sobrang panic ng kaibigan, hinatak nito ang kahit sino sa mga nanood ng concert na nasa labas ng bathroom para tulungan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang Swiftie na nakilalang si Niko Lacobucci ang tumawag sa 911.

Ayon kay Niko sa panayam din ng WBTV, ni hindi niya alam ang pangalan ni Tori nang kausap niya ang taga-911.

Aniya, “That's the funny part.”

At dahil nakuha naman niya ang number ng kaibigan ni Tori, dito na lang siya nagtanong ng mga detalye sa pamamagitan ng text messaging.

Tori hedges calling on the phone

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang photo ni Tori habang tumatawag sa mister nito para ihatid ang good news.

Isang ambulansiya ng stadium ang nagdala kay Tori sa ospital.

Doon niya isinilang ang kanyang baby boy, na pinangalanan niyang Lyle.

Read: Nakakaantig: Parting gift ng Singaporean woman sa Pinay yaya na nag-retire after 34 years

SWIFTIES EVER SINCE

Si Tori ay big fan ni Taylor.

Bata pa lang siya ay nanonood na siya ng mga concerts nito.

Ibinahagi rin niya ng isang larawan noong teener siya kasama ang kanyang idol.

Young Tori Hedges with Taylor Swift

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinonek ni Tori ang pangyayari sa The Eras Tour ni Taylor.

Aniya, "People say that I started my new era as being a mother, so leave The Eras Tour and go into my new one."

Read: Meet Ronald Wayne, 3rd Apple founder who sold his shares in 1976

PINAKAMALAKING CONCERT NI TAYLOR

Ang The Eras Tour ang ongoing sixth concert tour ni Taylor Swift.

Tinagurian itong journey ng lahat ng kanyang "musical eras," at tribute din para sa lahat ng kanyang studio albums, kabilang ang pinakahuli, Midnights (2022), at ang iba pang album na hindi niya nagawan ng tour dahil sa pandemic gaya ng Lover (2019), Folklore (2020), at Evermore (2020).

Ito ang pinakamalaking tour ni Taylor na kinabibilangan ng 131 concerts sa limang kontinente sa buong mundo.

Taylor Swift in concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito rin ang kanyang second all-stadium tour matapos ang Reputation Stadium Tour niya noong 2018.

Sinimulan ang The Eras Tour noong March 17, 2023, sa Glendale, Arizona, at inaasahang matatapos sa August 17, 2024 sa London, England.

Ang kabuuan ng show ay may habang tatlong oras, at set list na tampok ang 44 na kanta ni Taylor na hahatiin sa 10 distinct acts para maipakita ang nilalaman at konsepto ng bawat album.

Karamihan naman sa mga Filipino Swifties ay kina-career ang pagkuha ng tiket para sa pagtatanghal niya sa Singapore at Japan dahil hindi kasama ang Pilipinas sa Asian leg.

Read: Trending: Lalaking binalatan ang saging para makamura

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa napanood ni Tori Hedges ang idol na si Taylor Swift sa Cincinnati leg ng Eras Tour, nang araw ring iyon niya isinilang ang kanyang baby boy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results