A peregrine falcon in the city?
Maraming bird lovers ang nasiyahan dahil sa recent sighting ng isang peregrine falcon sa isang gusali sa Makati City.
Ang screenshot ay mula sa video na nakunan ng isang member ng Birdwatch Philippines Community sa Facebook noong January 4, 2023, at ipinost sa Facebook community noong January 7.
Sunud-sunod ang comments ng bird lovers para ilarawan ang characteristics ng “majestic bird," na isa ring predator bird na pinaniniwalaang nagmula sa North America.
Marami ang naglarawan dito bilang “the fastest bird.”
Read: "Malas daw?!” Uwak, ginawang alaga ng isang pamilya sa Pangasinan

Magkakaiba ang reaksiyon sa bird sighting na ito.
Obviously, marami ang natuwang makakita nito sa siyudad dahil kadalasan ay sa mga gubat at bulubunduking lugar lamang ito nasisilayan.
Read:
- Expectation vs reality? Netizens on photos of Ibong Adarna: “Hindi naman pala kagandahan”
- Meet the "Pokpok," noisy and colorful bird of the Philippines


Sa isang episode ng GMA Network environmental show na Born To Be Wild noong 2019, itinampok ng TV show host na si Doc Ferds Recio ang very challenging terrain na sinuong niya, kasama ang isang photographer, sa isang mabato at bulubunduking lugar sa Surigao del Sur para lamang masilayan ang ilang peregrine falcon.
Sabi pa noon ni Ferds, “first time on TV” na maipapakita ang mga nesting spots nila.
Binanggit ni Ferds na ang mga ibong ito ay may reputasyon bilang “fastest birds in the world.”
Aniya pa, “They hunt in midair. Yung mga lumilipad na ibon, yun ang hinahabol at dinadagit para kainin o ipakain sa inakay."
Ilan sa mga kinakain nila ay mga paniki at kalapati.
Pagdating sa lugar, kinailangan pang gumamit ng telephoto lenses camera para makunan nang malapitan ang mga ibong lumilipad sa himpapawid.
Sinong mag-aakala na sa mismong gitna ng siyudad, may ilang mapalad na netizens ang makukunan ng photo at video ang ibong ito.
Komento ni Kamesh Forbes, na kumuha ng larawan ng peregrine falcon sa Makati, nasa gitna siya ng meeting nang makita sa labas ng building ang falcon kaya dagli-dagling kinunan ito.
SOME NETIZENS ARE CONCERNED
Ang iba, concerned kung normal bang makakita ng ganitong uri ng ibon sa siyudad. May nangatwiran pang baka dahil ito sa unti-unting pagkawala ng gubat na kanilang natural habitat.
“sad to see him in a concrete jungle,” comment ng isa.



Ang iba ay nabahala para sa mga may-ari ng mga kalapati, na karaniwang dinadagit at kinakain ng peregrine falcon.


May mga nag-share rin na kanilang sightings ng ganitong ibon sa iba pang bahagi ng Makati at maging sa Cebu City.
Hindi na pala kailangang umakyat ng mga bulubundukin, tahakin ang mabato at matarik na daan para masilayan sila sa kagubatan.
Samantala may isang netizen na nagkomento kung bakit may mga pagkakataong may nasisilayang peregrine falcons sa siyudad.
Anito, may increase sa populasyon ng peregrine falcon sa buong mundo, at nakikita sila sa siyudad dahil favorable ito bilang hunting place sa mga ibong kinakain nila, gaya ng kalapati.
Tugma ang sinabi ng netizen sa ilang write-ups sa internet tungkol sa paghahanap ng pagkain ng mga peregrine falcons sa siyudad.

