PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Quezon Debutante Requests Gifts for Pig Farm

No fancy gifts, just piglets and feeds
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Jan 22, 2024
debut 18 piglets
The debutante Marc Antonyt Cosico requested for piglets and pig feeds as gifts on her birthday. Her mom Raquel explains the reason behind the unique request: “Sabi niya, ‘Mama, gusto kong magkaroon ng negosyo habang ako’y bata pa para may kita din ako."
PHOTO/S: TrademarkEvents by Mark Gil M. Manalo

Imbes na 18 candles, 18 roses, o 18 blue bills, 18 biik at iba’t ibang klase ng feeds ang ni-request ng debutante na si Marc Antonyt Cosico mula sa kanyang mga bisita.

Viral recently ang birthday celebration ng dalaga na ginanap noong Sabado, January 13, 2024, sa bahay ng mga Cosico sa Sariaya, Quezon.

Positibo ang reaksiyon ng mga netizens na natuwa sa kakaibang gimik na mismong ang dalaga ang nakaisip.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 5,000 reactions, 1,100 comments, at 14,000 shares ang original post ng pinsan ni Antonyt na si Syjay Dalwampo tungkol sa 18 biik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YUNG DEBUTANTE KA PERO BUSINESS-MINDED DIN

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang ina ni Antonyt na si Raquel noong Miyerkules, January 17, at ayon sa kanya, mismong ang kanyang anak ang nakaisip na 18 biik ang hingin sa mga bisita bilang regalo.

Mayroon kasi silang maliit na babuyan sa likod bahay.

“Nag-aalaga po kami ng baboy dine sa aming likod bahay, at kita po naman ng aking anak na maganda ang kita at nagiging maayos naman.

“Sabi niya, ‘Mama, gusto kong magkaroon ng negosyo habang ako’y bata pa para may kita din ako at nang yung ibang gastusin ko sa pag-aaral ay mabawasan ng kakahinge sa inyo,’” kwento ni Raquel.

Read: VIRAL: Asong nag-food trip ng $4,000 dollar bills

Marc Antonyt Cosico

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya’t sa halip na kung anu-anong labinwalong regalo, mga biik ang naisipan niyang hilingin sa mga bisita.

Aminado si Raquel na medyo nag-alangan siyang umayon sa naisip ng anak noong una dahil nagkakahalaga ng PHP 4,500 o higit pa ang bawat biik. Ayaw naman nitong mabigatan ang mga bisita.

Hanggang sa maisipan niyang gayahin ang ginagawa sa lokal na kooperatiba sa kanilang bayan, kung saan ang bawat magbibigay ng biik ay mabibigyan ng dalawang biik sa oras na lumaki at manganak ang nairegalong biik.

Yan ang dahilan kung kaya’t nakalagay sa imbitasyon na babaeng biik ang dapat nilang ibigay.

Dahil sa ideyang ito ay natuwa maging ang mga napiling sponsor para sa 18 biik.

Dagdag pa ni Mommy Raquel, “Yung iba mapapansin niyo po na sobra sa 18 kasi po nahabol. Tapos na-request po yung iba na sa feeds naka-assign, pero biik po ang dinala kasi po gusto din ng back 2.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang “back 2” ay ang ibabalik na biik.

Win-win ang idea para sa giver at receiver!

Read: PCSO head on controversial photo of lotto winner: “We’re not very good at editing…”

Marc Antonyt Cosico

Bukod sa mga biik, humingi rin ang dalaga ng sponsors para sa 18 Viepro, 18 Starter, 18 Stargrow, 18 Grower, 18 Breeder, 18 Finisher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga nabanggit ay iba’t ibang uri ng feeds na kakailanganin ng mga biik upang mabilis ang kanilang paglaki at pagtaba.

Biro tuloy ng isang netizen, “Happy Birthday and congrats for winning a pangkabuhayan showcase! charriz! it's unique, practical and fun idea po.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The debutante Marc Antonyt Cosico requested for piglets and pig feeds as gifts on her birthday. Her mom Raquel explains the reason behind the unique request: “Sabi niya, ‘Mama, gusto kong magkaroon ng negosyo habang ako’y bata pa para may kita din ako."
PHOTO/S: TrademarkEvents by Mark Gil M. Manalo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results