Cute, maam, at hindi makabasag-plato—ganito ang imahe ng seven-year-old Goldendoodle na si Cecil.
Nakatira ang aso sa Pittsburg, USA, kasama ang mga fur parents na sina Clayton at Carrie Law mula noong siya’y tuta pa.
Sa loob ng limang taon, si Cecil ang prinsipe sa tahanan ng mga Law hanggang sa ipinanganak si Rory, ang son ng couple na ngayo’y two years old na.
Habang lumalaki ang aso walang naging problema ang mag-asawa sa alaga. Pero bago mag-Bagong Taon, may ginawa si Cecil na ikinagulat ng kanyang fur parents.
Minukbang lang naman niya ang $4,000 (PHP223,000) na sana’y gagamitin sa pagpapa-renovate ng kanilang bakuran!
Read: Meet Jonathan the tortoise, world’s oldest living land animal
MONEY MUKBANG
Dahil cash ang hinihinging pambayad ng contractor, nag-withdraw si Clayton sa joint account nilang mag-asawa.
Pagdating niya sa bahay, agad niyang inilapag ang sealed envelope na puno ng $100 at $50 bills. Ito sana ang pambayad niya sa mga trabahador na gumagawa ng bakuran nila.
Pero naunsiyami ang lahat dahil makaraan lamang ng tatlumpung minuto, natulala si Clayton nung makita ang pira-pirasong nginuyang dollar bills na nakakalat na sa sahig.
Siyempre, nagpanic si Clayton at agad na niyang tinawag ang asawang si Carrie.
“Cecil ate $4,000!”
Ayon sa kuwneto ni Carrie sa Washington Post, nangyari ang insidente isang hapon bago Bagong Taon.
Sa gulat ni Carrie dahil napasigaw ang asawa, agad itong napatakbo.
“I ran in thinking I had to have heard him wrong, but then I saw the mess, there was no doubt.
“I thought I was going to have a heart attack. Cecil had really done it.”
Read: Peregrine falcon spotted in Makati City; netizens have mixed reactions
GOOD DOG GONE WRONG
Sa pitong taon ni Cecil sa mga Laws, ni isang beses ay hindi siya nagbigay ng sakit ng ulo sa mag-asawa.
Hindi rin ito nagpakita ng anumang interes sa kahit anong bagay o pagkain na iniiwan nila sa mesa. Until this happened.
Sa kabila nito, hindi nabawasan ang pagmamahal ng mag-asawa kay Cecil.
“He has never really done anything really bad before. So, we were more shocked than angry,” pahayag ni Clayton.
“We couldn’t believe it. We looked at each other and said, ‘what are we going to do?'”
Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng veterinarians
THE SMELL OF MONEY
Matapos ang ilang sandali ng pagka-shock, inisip agad ng mag-asawa kung ano ang mabuting gawin para maisalba ang pera.
Inipon nila ang mga pira-pirasong pera at pinagdikit-dikit. Ito ay umabot ng $1,500. Sabi pa ni Carrie, tumawag din sila sa bangko at ni-report ang nangyari.
“I felt like a kid who says, the dog ate my homework,” sabi pa nito.
“I was surprised when they said they’d seen similar things happen multiple times. That maybe dogs liked the particular smell on money.”
Nagpaliwanag ang manager na maaari namang ibalik sa bangko ang mga napagtagpi-tagping paper bills provided na kita pa rin ang full serial numbers visible sa front and back.
Ang Bureau of Engraving and Printing ay nagre-require rin ng at least kalahati ng bill para ito ay mapalitan. “Cecil was sitting on the sofa full of $2,500, and we knew there was only one way to get the money back,” sabi ni Carrie.
CASH IT OUT, DOGGIE
Dalawa lang ang paraan para mailabas ng aso ang perang kinain niya—ang isuka o idumi niya ito.
Buong gabing binantayan ng mag-asawa si Cecil hoping na makuha pa nila ang natitirang paper bills.
Matapos ang dalawang araw, nairaos na ni Cecil ang pagdumi at dito na sinimulan ng mag-asawa ang mabusising paghugas at pagsalba sa pira-pirasong pera.

Si Clayton hawak ang plastic na naglalaman ng "dumi" ni Cecil.
Habang iniisa-isang hinugasan at nilinis ang gutay-gutay na pera nang naka-guwantes ang kanilang mga kamay, hindi na nakuhang magalit ng mag-asawa sa nangyari.

Si Carrie Law habang hinuhugasan ang punit-punit na pera mula sa dumi ni Cecil.
Bagkus, pinagtawanan na lamang nila ang sitwasyong napasukan nila dahil kay Cecil.
“I never thought I’d be able to say I’ve laundered money, but there is apparently a first time for everything,” sabi ni Carrie.
“Here we were, waiting for the dog to go to the bathroom so we could get the rest,” dagdag pahayag ni Clayton.
TRENDING ON INSTAGRAM
Kung sa iba nangyari ito, malamang napalayas na si Cecil.
Pero dahil mahal nila ang alaga at itinuturing nilang kapamilya, pinalampas ng mag-asawang Law ang “kasalanan” ng aso.
Sa halip, ginawan pa nila ito ng video with photos na tila ginawang dog meal ang $4,000.
Ang Instagram account ni Carrie ay may handlename na @ooolalaw at dito makikita ang video ni Cecil.
Sa caption, nakalagay, “This is Cecil. He has never done anything bad in his life until he ate $4,000.”
Ipinakita sa video ang paghugas ng mga perang kinain ni Cecil pati na ang pagdikit-dikit ng mga ito na parang gaya sa jigsaw puzzle.
Interesado talaga ang marami sa kuwento ni Cecil dahil umabot ang likes nito ng 175,000.
LOVE YOU STILL, CECIL
Ang kuwento ni Cecil ay naging popular sa Pittsburg, Pennsylvania.
Ani Carrie, “We couldn’t be mad at him, he’s a very lovable dog. Sabi pa niya.
“People often tell us he’s a human trapped inside our dog.”
Suma total ng perang nakuha mula sa nakain ni Cecil ay $3,500.

Ang punit-punit na pera matapos makuha mula sa dumi ni Cecil
Aniya, plano niyang ipadala ang mga washed remnants na hindi na kayang mabuo sa Treasury Department. Umaasa si Carrie na maibabalik kahit ang ilan dito sa kanila.
Kung hindi man, magsisilbing aral ito sa lahat ng nakarinig sa kanilang kuwento.
“We’ve kept at least one of the torn up bills so we can do a piece of artwork and frame it to commemorate the entire situation.
“Not that we’d ever forget,” sabi ni Carrie tungkol sa ibang klaseng karanasan nila sa alagang si Cecil.