Itinuturing na sagradong sakramento sa simbahan ang kasal, at mula pa noon ay nakaugaliang kulay puti ang suot ng mga ikakasal.
Pero bago mag-Bagong Taon, ginulat nina Engineer Ronald Versosa at Marelinda Caranay ang kanilang mga kaanak at mga bisita sa kanilang wedding na black ang motif.
At bagamat nagbabago na ang panahon at pananaw ng mga tao, may iba pa ring nagtaas ng kilay tungkol sa choice ng bride and groom.
Read: Fast-food worker never missed a day of work in 27 years; receives donation worth PHP25.7M
WHAT’S WITH COLOR BLACK
Bakit nga ba nangingilag ang matatanda kapag itim ang motif sa mga masasayang okasyon?
Bahagi ng kulturang Pinoy ang mga pamahiin, at isa na rito ang paniniwala na ang pagsusuot ng itim sa kasal o kaarawan ay magdadala raw ng kamalasan.
Bukod dito, ang itim ay inuugnay sa patay.
Pero hindi nagpatinag sina Ronald at Marelinda sa mga pamahiin at paniniwala.
Noong December 28, 2023, ginanap ang kasal nila sa isang sementeryo, sa Garden of Remembrance Memorial Park, sa Alaminos City sa Pangasinan.
Read: VIRAL: "Extravagant" cathedral in Bohol sparks debate among netizens; turns out it is edited

Ang entourage na kulay itim din ang suot, alinsunod sa black motif ng kasal
MEMORIAL PARK WEDDING
Lalong nagka-goosebumps ang mga bisita sa kasal ng dalawa dahil may slight romantic and eerie feel ang wedding set-up.
Ang dekorasyon sa paligid ng sementeryo ay kinabilangan ng koronang bulaklak at funeral candles.
Nagpagawa pa sila ng custom-designed na kabaong na may life-size images nilang dalawa.
Kakaibang trip ito, di ba?
Ayon sa Facebook page ng Pangasinan News Daily, matagal nang plano ng groom ang ganitong tema dahil, "Yun po ang pagkatao ko, banda! Itim! Death!”
Isa sa nagpasaya sa kakaibang wedding night ng Versosa couple ay ang performance ng mga kabanda ni Ronald.
Ayon naman kay Engr. Arnold Versosa, kapatid ng groom, suportado ng kanilang pamilya ang trip ng groom.
Aniya, “We support whatever my brother wants. This black wedding symbolizes love that will endure till the end.
“That’s what was in my mind when I received the invitation.”
Hindi lamang kasal ang idinaos sa sementeryo, kundi maging ang reception nito.
At kahit pa itim ang dominant color, mas nangibabaw ang kasiyahan ng lahat, lalo na ang mga bagong kasal.

Ang reception ay ginanap din sa isang sementeryo.