“Something fishy,” ang witty comment ng ilang netizens ukol sa report sa isang inarestong teenager dahil sa ginawa niyang di-pangkaraniwang krimen.
Nagdidikit kasi ng mga sariwang isda ang menor-de-edad sa screens ng automated teller machines (ATMs) gamit ang tape.
Ang mga insidenteng ito, ibinabandera sa Instagram account na @fish_bandit84, na lumobo ang bilang ng followers sa higit 100,000 mula sa 54,000 lamang two weeks ago.
Inireport ng Provo Police Department sa Utah na nakapaglista sila ng tinatayang 13 insidente ng pagti-tape ng isda sa ATMs at iba pang lugar.
Lahat ito ay kagagawan ng isang 17 anyos na teenager.
Read: Two Pinoy OFWs dragged in murder of Japanese couple in Tokyo
Umabot ng 13 cases ng mga isdang idinidikit sa ATMs ang nabilang ng mga pulis.
Bukod sa ATMs, may posted photos na makikitang itinape ang tatlong sariwang isda sa isang police car.
Hindi malinaw kung ang inarestong teenager ang may-ari ng IG account, na nagsimulang mag-post noong August 2023. At press time, ang huling post niya ay noong December 21, 2023.
Heto pa, hindi lang sa Amerika nangyari ang mga insidente kundi sa iba’t ibang bansa rin.
Sa nasabing IG account, makikitang ginawa ang parehong prank sa Tokyo, Japan; Frankfurt, Germany; Guatemala City, Guatema; Phoenix, Arizona sa U.S.
Hindi binanggit sa reports kung bakit ginagawa ito ng teenager.
Iba-ibang isda rin ang ginamit sa mga insidente. Merong trout, bluegill, bass, hito, carp, at crappie.
Read: Abandoned dog Brownie confined after diagnosed with multiple illnesses; up for adoption
TEEN charged with two cases
Ayon sa mga pulis, ang teenager ay nahaharap sa dalawang kaso ng property damage—Juvenile Justice at Youth Services—ulat ng ABC4.
Tumanggi namang magsalita ang mga pulis dahil naresolba na raw nila ang kaso noon pang December 2023 at umuusad na ito.
