Kinumpirma ng isang non-profit animal shelter na naka-confine ngayon si Brownie, ang aso na inabandona ng kanyang may-ari sa isang parking lot sa Tondo, Maynila.
Ipinost ang kuwento ni Brownie sa social media at maraming pet lovers ang naantig sa sinapit ng aso.
Kinumpirma rin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng animal shelter na nangangalaga kay Brownie na up for adoption ito.
Inisa-isa ng Loved by the Gapz – Animal Rescue Inc. ang mga karamdamang iniinda ni Brownie.
“Naka-confine pa din po si Brownie sa Vetlink Veterinary Services sa QC,” mensahe sa PEP.ph ni Honey Young, rescue operations coordinator ng animal shelter na sumaklolo kay Brownie.
“Sa ngayon po, wala po siyang appetite since last night, pero nakaswero naman po at ina-address po lahat ng sakit niya tulad ng ehrlichia, kidney and liver problem niya.”
Read: Abandoned dog found with heartbreaking letter from fur parent: "Sorry kung iniwan kita."
brownie diagnosed with MULTIPLE ILLNESSES
Nag-viral ang kuwento ni Brownie nang i-post sa Facebook noong January 24, 2024, ang mapait na sinapit niya.
Sa collar na kadena ng aso, nakaipit ang liham mula sa owner.
Sabi nito, hindi nila maipagamot si Brownie dahil sa kahirapan. Lagi rin naiiwan mag-isa sa bahay ang aso dahil nagtatrabaho ang may-ari at ang partner nito.
Humingi ng sorry ang may-ari kay Brownie, at nakikiusap sa sinumang kukupkop na sana maalagaan ang aso.
Nag-post ng update ang Loved by the Gapz – Animal Rescue Inc. ukol sa kalagayan ni Brownie nitong January 25, 2024.
Hindi maganda ang lagay ng kawawang aso.
Post ng animal shelter (published as is), “Brownie was rescued yesterday po even before we posted him.
“Hindi po maganda ang mga naging resulta ni Brownie. Nang chineck po sya, mayroon pong nakitang necrotizing wound (nabubulok na sugat) sa kanyang private part. Good news is, hindi po ito TVT o cancer.
“Nag negative naman po sya sa distemper virus pero nag positive po sya sa ehrlichia na isang uri po ng blood parasite o dengue po kung sa tao.
“Lumabas din po sa kanyang blood test na may kidney at liver problem po si Brownie at mababa po ang kanyang platelets.”
Mananatili munang naka-confine sa veterinary clinic si Brownie, sabi ng shelter.
Sinundan ito ng pagbanggit na bumisita pala ang owner ni Brownie sa clinic. Pero hindi para iuwi o bawiin si Brownie.
Hayag ng shelter, “Kanina din po ay naka-receive po kami ng message mula sa clinic na mayroon pong dumalaw kay Brownie at sinabing sya ang nag-iwan nito sa parking lot.
“Hindi po namin alam ang buong kwento at wala po kaming karapatan i-judge ang sinuman pero kailanman ay hindi po magiging tama ang pag-abandona ng inyong alaga.”
Hayag ng shelter, “BROWNIE IS UP FOR ADOPTION PO”
Inusisa ng PEP.ph ang shelter kung ano ang gagawin ng mga interesadong mag-adopt.
Sagot nito: “Kung interested po sila mag adopt, pwede silang magmessage sa aming FB page.
“Meron lang po kaming screening process to make sure po na mapupunta po siya sa responsible fur parent.”
Read: Man busted after dressing up as a woman to take exam in place of girlfriend
HOW TO HELP BROWNIE
Binanggit ng shelter sa Facebook post na, “his initial vetting po is covered na by the donations we received po.”
Pero patuloy silang tatanggap ng donasyon para sa patuloy na pagpapagamot kay Brownie at 10 pang bagong rescues na naka-confine ngayon sa iba't ibang clinics.
“If you have extra po to share for our confined rescues, please know that we are eternally grateful po.”
Narito ang accounts sa mga nais mag-donate:
GCash/Paymaya -0963-491-9120
RCBC: Loved by the Gapz - Animal Rescue Inc.- 904-5254-998
Security Bank: Loved by the Gapz - Animal Rescue Inc. - 00000-5766-5240
Unionbank - 1096-4081-0743
