PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dad of 2 Boys in Lapu-Lapu Tree House Finally Appears

The father is not allowed to take the kids from home care.
by Bernie V. Franco
Published Feb 2, 2024
tree house
The father of the two little boys (insert) left alone in a tree house in Lapu-Lapu City explains why he had to leave his kids by themselves. He is now asking for help from the LGU in Oslob, Cebu City.
PHOTO/S: Facebook (City Social Welfare and Development Office Lapu-Lapu City)

Lumantad ang ama ng dalawang musmos na magkapatid na naninirahang walang kasama sa tree house sa Lapu-Lapu City.

Sabay ng kanyang paglantad ay ang panawagan na tulungan siya na makabalik sa trabaho.

Ang dalawang magkapatid na lalaki—edad 2 anyos at 4 anyos—ay sinaklolohan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Lapu-Lapu City matapos dumulog ang isang concerned citizen.

Bukod sa walang mga magulang na nagbabantay sa dalawang bata, nakokompromiso ang kanilang kaligtasan dahil sa lugar na tinitirhan.

Mataas ang kinaroroonan nito. May matatalim na bagay sa paligid. Walang bantay.

Ang dalawang bata ay binibigyan lamang ng pagkain ng mga nagmamalasakit na kapitbahay.

Sinabi ng CSWDO via Facebook post noong January 29, 2024, na ni-rescue nila ang dalawang bata at dinala muna sa home care.

Diumano, ang tatay nila ay iniiwan sila habang ang kanilang ina ay nasa Maynila at nagtatrabaho bilang isang kasambahay.

Read: Two siblings, aged 2 and 4, left alone by parents in tree house in Lapu-Lapu City

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE FATHER COMES FORWARD

Lumantad naman ang ama ng magkapatid at nagpaliwanag tungkol sa kanilang kalagayan, ulat ng Sunstar nitong January 30, 2024.

Paliwanag ng amang tumangging magpakilala, nagpa-part time siya sa isang lugawan para may pantustos sa mga anak.

Natuklasan din daw niyang muling nag-asawa ang kanyang misis na nasa Maynila, pero hindi niya ito makumpirma dahil wala silang komunikasyon.

Lumalabas din na ang tree house ay pagmamay-ari pala ng isang residente sa Lapu-Lapu City na ginagamit ng mag-aama dahil wala silang tirahan.

Paliwanag raw ng ama, hindi nito maihabilin ang mga anak sa mga kamag-anak dahil maliliit pa ang mga ito at nag-aaral pa.

ASKING FOR ASSISTANCE

Matapos malamang dinala ng CSWDO ang mga anak sa isang home care, pinuntahan ng ama ang mga ito, pero hindi siya pinayagan ng Lapu-Lapu City Social Welfare and Development Office na maiuwi ang mga bata.

May mga requirements daw kasi at kailangang dumaan sa proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng ama na dati silang taga-Cebu at lumipat sila sa Lapu-Lapu City, kung saan naghahanap siya ng trabaho.

Paliwanag niya, isa siya sa mga naapektuhan at nawalan ng trabaho sa Cebu dahil sa epekto ng pandemya sa turismo ng probinsiya.

Nanawagan ang ama sa Municipality of Oslob sa Cebu na sana ay makapagtrabaho siyang muli bilang tourist guide sa Barangay Tan-awan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The father of the two little boys (insert) left alone in a tree house in Lapu-Lapu City explains why he had to leave his kids by themselves. He is now asking for help from the LGU in Oslob, Cebu City.
PHOTO/S: Facebook (City Social Welfare and Development Office Lapu-Lapu City)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results