Naglalakad si Marcie Callawaert kasama ang kanyang mga alagang aso sa isang remote British Columbia beach nang may mamataan siyang bagay sa mga basurang inanod ng alon sa dalampasigan.
Ito ay ang kanyang lumang wallet.
Ang beach ay malapit sa Tofino, isang bayan sa Vancouver Island, Canada, kung saan nakatira ang pamilya ni Marcie.
Isa siyang trail guide and educator sa Cedar Coast Art and Ecology Centre, at bahagi rin siya ng Coastal Nations Coast Guard Auxiliary.
Sa video na in-upload ni Marcie sa TikTok last February 15, 2024, sinabi niyang nahulog ang wallet niya sa dagat habang sakay ng isang bangka noong June 2023.
Read: Lost wallet in 1958 returned to owner's family in 2023

Read: Huli ka, lola! Nakapulot ng smartphone na hindi password-protected; nag-shopping gamit ang e-wallet
Aniya, "Where we live, we don't have a dock and we have to canoe to our anchor buoy where the boat is.”
Nakalagay aniya ang kanyang wallet sa backpack, na nakalimutan niyang i-zipper.
“When I went to hop into the boat from the canoe, I heard a splash.
“But I just assumed it was the way the water was splashing, and I didn't think anything of it."
Huli na nang malaman niyang ang wallet pala niya ang nalaglag sa tubig.
Read: Lola arestado sa pananahi at pagbebenta ng fake luxury bags at wallets
Nakiusap siya sa isang diver na sumisid at hanapin ito, pero hindi na nakita.
Kaya ganun na lang ang tuwa niya nang makita niya itong nakakalat sa dalampasigan.
"I knew right away. It stopped me right in my tracks."
Nang bulatlatin niya ang kanyang wallet, naroroon pa rin ang kanyang cash, bank cards, licenses at ID.
Nakakatuwa ani Marcie na hindi na-damage ang mga iyon kahit ilang buwan itong nakababad sa tubig.
Ang tanging naging damage sa wallet ay ang kinalawang na zipper, pero maliban doon ay napakaganda pa rin ng kondisyon nito.
Read: Gaano ba kadalas dapat paliguan ang inyong aso?

Read: Nag-iisang stingray sa aquarium, nabuntis; pating nga ba ang ama?
Aminado siyang noon ay inisip niyang hindi na ito makikita. Nagsimula na rin siyang kumuha ng mga bagong ID at bank cards.
Ang video ni Marcie ay nakakuha ng mahigit 552K views, 2.2K comments, at 12K shares.
Sambit ng isang netizen, may taglay na suwerte si Marcie kaya dapat din niyang subukan na tumaya sa lotto.
Biro naman ng isa, mga sirena ang nagbalik kay Marcie ng kanyang wallet. "Leave them a gift,"
Read: Influencer inirampa ang mga damit na isinuot ng ina noong 1980s
Tanong naman ng isa, “How is this even possible?”
Paliwanag ni Marcie, “It was dropped just offshore of this beach in about 20 feet of water.
“I had to wait for the winter Southeast winds to bring it ashore.”
Inasahan umano niya nang malaglag ang wallet na itutulak iyon ng winter Southeast winds pabalik sa dalampasigan.
“But I didn't know if the tide and current took it out to sea right when I dropped it.”
Read: Buying an engagement ring? Here are things to consider

Read: Lugar na most-viewed photo in history, ano na ang itsura ngayon?
Kuwento pa niya sa mga nagkomento sa kanyang video, masuwerte siyang nakita muli ang wallet dahil naroon ang kanyang radio license.
Mahal aniya ang magpa-renew niyon.
Biro pa ni Marcie, kaya napabalik sa kanya ang wallet ay dahil mahilig siyang maglinis ng mga dumi sa beach.
“My goof karma for cleaning up the rope and plastic.”
Read: FORUM: Keri mo pa bang magbuntis kahit 50 years old ka na?
