Isang professional actor ang Chinese na si Lu Jingang, pero sa ngayon ay hindi na siya sa harap ng camera umaarte.
For 12 years, ang naging platform ni Lu para sa maipamalas ang kanyang husay sa pag-arte ay ang Qinming Shanghe Garden, isang popular scenic spot na nasa Henan Province ng China.
Dito ay umaakto siya bilang pulubi at nanghihingi ng pera o kaya ay pagkain sa mga may mabubuting kalooban.
Read: Kambal nagtapos bilang class valedictorian at salutatorian
Para mas maging kapani-paniwala na isa siyang pulubi, nilalagyan ni Lu ng dumi ang kanyang mukha.
Nakasuot din siya ng marumi at gula-gulanit na damit.
Pinalulungkot din niya ang mga mata kapag nanghihingi ng limos.
Read: Food vlogger, nagkatay at nagluto ng alligator para sa video views

At hindi siya nase-zero sa kanyang pagpapanggap bilang isang pulubi.
Kumikita siya ng halos 70,000 yuan o PHP543,128.60 sa loob ng isang buwan.
Bukod pa rito ang mga pagkaing natatanggap niya.
Karamihan sa mga nagbibigay ng limos sa kanya ay mga turista.
Read: Mister, natakot sabihin kay Misis na jobless na siya, napasok pa rin sa “trabaho” araw-araw
Ayon sa Time Doctor, isang workforce analytics platform, ang average na buwanang sahod sa China ay nasa 29,000 yuan o PHP223,280.
Kung pagbabatayan ang kinikita ni Lu sa pamamalimos, mataas ang kanyang income bracket.
Dahil dito, may mga tumatawag sa kanya ng “richest beggar in China.”
Read: Mapaminsalang pagong mula China, nahuli sa La Union

Read: Genius na may master's at doctorate degrees, piniling maging jobless
Para kay Lu, pinili niya ang kakaibang career dahil passion niya ang pagpe-perform.
Nagagawa rin niya ang klase ng pag-arte na gusto niya nang hindi kailangang mag-audition.
Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver
Tutol ang kanyang pamilya nang simulan niya ang pag-akto bilang pulubi.
Pero pinayagan na rin siya dahil malaki ang kanyang kinikita.
Sa paglipas ng panahon ay lalong nahasa at nasanay na si Lu sa kanyang role bilang pulubi.
Naging Internet sensation na rin siya sa lugar.
Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya

Read: Convenience store for mountain climbers hangs off the side of a cliff
Mula nang mag-viral sa social media, mas marami ang na-curious sa kanya at nagbibigay ng limos.
Dahil sa laki ng kinikita ni Lu sa pamamalimos, may mga netizens tuloy na naiinggit.
Sambit ng isa, mas pulubi pa siya kay Lu dahil mas di hamak na malaki ang kinikita nito kumpara sa kanya.
May mga nagsabi ring magre-resign na sila sa trabaho at mamamalimos na lang gaya ni Lu. Malaki na ang kita, wala pang toxic na boss.
Pero babala ni Lu sa mga nagsasabing gagayahin ang kanyang napiling trabaho, huwag nang subukan ito.
Mahirap umano siyang kakumpitensya dahil beterano na siya sa pag-arte bilang pulubi.
Read: Batang lalaki, nag-viral sa pagiging maginoo sa loob ng tren
