PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PHP1.5B Heiress Lets 50 Decide Her Money Giveaway

She also believes that wealthy people like her should pay more taxes.
by Bernie V. Franco
Published Apr 8, 2024
Marlene Engelhorn talks at TEDx Talks
Marlene Engelhorn is an heir to a wealthy family. She inherited $27 million or worth PHP1.5 billion, and chose 50 people to decide on how to give away her money.
PHOTO/S: YouTube (TEDx Talks)

Isang tagapagmana mula sa isang kilalang angkan ang pumili ng 50 mula sa 10,000 katao para sila ang magdesisyon kung saan ibibigay ang kanyang bilyong-pisong mana.

Ito ang kuwento ng Austrian heiress na is Marlene Engelhorn, 31, na pinamanahan ng kanyang lola ng 25 million pounds o PHP1.5 bilyon.

Si Marlene ay mula siya sa pamilya ni Friedrich Engelhorn, isang German na founder ng BASF SE, isang European multinational company at largest chemical producer in the world, noong 19th century.

Pero tila hindi big deal kay Marlene ang yaman na kanyang pamilya dahil sa isip-isip daw niya, hindi ito sa kanya.

Kontra si Marlene sa wealth inequality.

Subalit hindi maitatatwa ni Marlene na isa siyang tagapagmana.

Kaya noong pinamanahan siya ng kanyang lola ng 25 million pounds ($27 million) o PHP1,525,216,500 taong 2022, nagustuhan niya ang idea ng wealth redistribution.

Hindi rin siya pabor sa traditional philanthropy dahil binibigyan lamang daw siya nito ng “too much power,” ulat ng Bloomberg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang 50 strangers na pinili niya ang bubuo sa tinatawag niyang Guter Rat o Good Council, na siyang magdedesisyon kung paano at saan gagastusin ang pera ni Marlene.

Read: Widow donates $1 billion to medical school; leaves students in tears after she announces their tuition is free

Hindi makikialam si Marlene sa mapagkakasunduan ng Good Council members na pinili gamit ang statistical process ng isang research group.

Ang basehan ay location, age, race, socio-economic background at iba pang demographic factors.

Masaya si Marlene na naipasa niya ang responsibilidad sa pagbabahagi ng bilyones niyang mana.

Aniya, “I’m just one brain, I’m just one person and so to me, this is a huge relief knowing that the process of redistribution is much more legitimate and thorough and democratic than I could ever do it,” sabi niya sa isang interview.

“Nobody needs another foundation.”

Marlene Engelhorn speaker at TEDxVienna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tagapagmana ng Hermés, 80, ipapamana ang malaking yaman sa kanyang hardinero

Si Marlene ay nag-aral sa mga pribadong paaralan sa Austria at nagtapos sa University of Vienna sa kursong German literature and language.

Naisip niya ang Good Council nung nabasa niya ang tungkol sa democratic tool na citizens’ assemblies na nagiging popular ngayon sa Europe.

Si Marlene din ang pasimuno ng kampanyang TaxMeNow na naglalayong buwisan nang mas malaki ang mayayaman.

Ironically ang nakuhang $27 million na mana ni Marlene ay walang tax kaya siya frustrated.

Sa Austria kasi, tinanggal ang inheritance tax noong 2008.

Naging speaker din si Marlene sa TEDx Vienna noong October 2022 tungkol sa paksang tax justice.

THE GOOD COUNCIL

Sinimulan ang proyektong Good Council ni Marlene noong January 2024.

Nagkaroon pa ng presscon noon si Marlene para patunayan niyang hindi scam ang kanyang plano

Mula noong Marso 2024 hanggang sa June 2024 ay anim na beses magpupulong ang Good Council members para pag-usapan kung saan ilalaan ang $27 million ng heiress.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paano kung hindi nagkasundo ang 50 members kung saan ilalaan ang mana?

Ibabalik daw ang bilyones kay Marlene.

Pero confident si Marlene na hindi ito mangyayari.

Wala ring magiging impluwensiya si Marlene kung paano gagastusin ang pera.

Sabi niya, “I’m not so fixated on the result. The most important thing to me is the public discussion of wealth and equality.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marlene Engelhorn is an heir to a wealthy family. She inherited $27 million or worth PHP1.5 billion, and chose 50 people to decide on how to give away her money.
PHOTO/S: YouTube (TEDx Talks)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results