Isang convict ang nangatwirang natapos na niya ang sentensiya sa kanyang habambuhay na pagkakabilanggo matapos siyang panandaliang "mamatay" sa ospital.
Actually, ang nangyari ay nag-flatline siya pagkatapos ay na-revive.
Pinag-usapan sa international media ang nangyari nang gawin itong argumento sa korte ng convict na si Benjamin Schreiber noong 2019
Nahatulan si Benjamin ng first-degree murder noong mid-1990s matapos mapatay ang isang lalaki na hinampas niya ng handle ng isang pickaxe, na parang martilyo pero mas manipis at matulis dahil ginagamit sa pagbitak ng lupa at pagbiyak ng bato.
Noong 2015, na-diagnose si Benjamin ng kidney stones at nakaranas ng septic poisoning, ulat ng CNN noong 2019.
Mula sa Iowa State Penitentiary, isinugod siya sa kalapit na ospital.
Tumigil ang puso ni Benjamin sa ospital, pero limang beses siyang ni-resuscitate. Gumamit ang mga doktor ng epinephrine at adrenaline para ma-revive siya.
Nang ma-revive ay ginamot ang kanyang sepsis at saka siya ibinalik sa kulungan.
CONVICT’S ARGUMENT
Matapos ang insidenteng ito, naglabas ng argumento si Benjamin sa korte at sinabing dapat na siyang palayain dahil “technically” ay namatay na siya, kaya’t na-serve na niya ang life sentence. Nabuhay lang daw dahil sa resuscitation.
Nangatwiran din ni Benjamin na ni-revive siya “against his will” dahil pumirma siya ng “Do Not Resuscitate” order noon.
Pero hindi natinag ang korte sa argumento ng convict.
Sinabi noon ng lower court na ang argumento ni Benjamin ay “unpersuasive and without merit.”
Umapela si Benjamin sa Iowa Court of Appeals, pero sinang-ayunan nito ang naunang desisyon ng lower court.
Tatlong hukom ang naging panel noon sa kasong ito ni Benjamin.
Sabi ng isa sa mga hukom na si Justice Amanda Potterfield: “Schreiber is either still alive, in which case he must remain in prison, or he is actually dead, in which case this appeal is moot."
Kinatigan din ng mga hukom ang Iowa state law na nagsasabing “anyone guilty of a class A felony ‘must spend the rest of their natural life in prison, regardless of how long that period of time ends up being or any events occurring before the defendant’s life ends.’"
Read: Son chooses late mom’s last letter as his first body tattoo
BENJAMIN SCHRIEBER DIES
Apat na taon matapos pag-usapan ang kanyang kuwento, pumanaw si Benjamin noong April 7, 2023 dakong ika-10:55 ng gabi.
Siya ay 70 anyos.
Inanunsiyo ng Iowa Department of Corrections ang pagkamatay ni Benjamin, ulat sa website ng Ottumwa Courier, isang news publication sa Iowa.
Nakalagay sa announcement na namatay si Benjamin “due to natural causes” sa Unity Point Medical Center sa Fort Dodge sa Iowa.
