PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coffin car sold for PHP1.6M; registered, with license plate

The coffin car is a street-legal vehicle.
by KC Cordero
Published Apr 26, 2024
Full shot of the coffin car
Kung titingnan ay mas mukhang gagamitin lang ang kakaibang sasakyang ito sa mga pelikulang horror, pero nakarehistro ang coffin car sa New York City bilang 1928 Ford Pickup. Hindi man pangkarera, loaded ang coffin car ng mahuhusay na piyesa.

Idinisenyo bilang coffin car o coffin on wheels ang isang dragster-style custom car na nabenta sa halagang US$28,750 o PHP1,659,176.88.

Naging viral ito dahil kumpara sa ibang sasakyan, kakaibang ang hitsura nito.

Ang inspirasyon sa likod ng disenyo ng sasakyan ayhango sa coffin car na Drag-U-La na tampok sa episode ng The Munsters, isang TV series sa America noong 1965.

Read: Boyfriend, nalamang tumama sa lotto ang girlfriend; nagpapabili ng kotse

Photo of coffin car showing its parts and accessories

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Motorista, sinunod ang GPS at sinuong ang tulay na kahoy, muntik nang mahulog!

Ayon sa ulat ng Bring A Trailer, isang website tungkol sa mga sasakyan, last April 17, 2024, ang coffin car ay binuo sa Long Island, New York, noong 2008 hanggang 2010.

Hindi na binanggit kung sino ang orihinal na may-ari nito.

Read: Machine para makontrol ang maingay na patugtog ng kapitbahay, naimbento

COFFIN CAR is a registred car

Ang kakaibang sasakyan ay may custom box-frame chassis, at ang pinaka-body nito ay eight-inch fiberglass casket.

Ang totoo, hindi ito functional casket. Meaning, hindi ito yung ataul na puwedeng ilagay ang bangkay at pagkatapos ay ililibing.

Modified ang body ng sasakyan para magkasya ang driver’s seat sa likod ng rear axle, pero mukha talaga itong ataul.

Read: CHECK THIS OUT: Tiger rice cooker na kayang magluto gamit ang diyaryo

The body of the coffin car

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ambulansya, nalubak; sakay na bangkay, nabuhay

Mayroon ding itong malalapad na gulong sa hulihan.

Mas naging maporma naman ito dahil sa pangkarera nitong tambutso at tila parol na mga ilaw.

Pero mukhang mas gagamitin ito sa mga pelikulang horror, kahit pa nakarehistro ito sa New York City bilang 1928 Ford Pickup.

Mayroon din itong valid license plate.

Read: Lalaki naagawan ng cellphone worth P10K; motor ng snatcher naitakbo ng biktima, dinala sa presinto

COFFIN CAR MAS PANG-DISPLAY KAHIT FUNCTIONAL

Ang driver’s compartment ay nasa likuran ng ataul na may maliit na upuan na napapalamutian ng blue upholstery.

Pinapatakbo ito ng Chevrolet V8 engine na may Holley four-barrel carburetor, Edelbrock intake manifold, at ribbed valve covers na ginamitan ng wing-style bolts.

Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item

The engine of the coffin car

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Larawan ng upuan sa bus na tinubuan ng kabute, pinagpiyestahan

Ang gearbox nito ay GM TH350 automatic transmission na pinintahan ng gold with rose accents.

Ang tangke ng gasolina ay nasa bandang unahan at pinintahan din ng gold para hindi masyadong mapansin dahil may iba pa itong accents na kailangang mag-stand out gaya ng lapida at ang maangas nitong tambutso.

Read: Ang kamangha-manghang Pandawa Beach Road sa Bali

Walang odometer ang coffin car kaya hindi masabi kung ano na ang kabuuang kilometrahe nito.

Wala ring pagbabatayan kung gaano kabilis ang kaya nitong itakbo.

Pero hindi naman ito pangkarera, at masasabing pang-display lang talaga bagaman at functional ito at roadworthy.

Kasama sa bentahan ng coffin car ang mga tropeo at plake na napanalunan na nito sa iba’t ibang car shows.

Read: Content creator kinain ang isdang puno ng tapeworms para mag-viral

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung titingnan ay mas mukhang gagamitin lang ang kakaibang sasakyang ito sa mga pelikulang horror, pero nakarehistro ang coffin car sa New York City bilang 1928 Ford Pickup. Hindi man pangkarera, loaded ang coffin car ng mahuhusay na piyesa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results