"Panda" as in pandaraya ang ginawa ng isang zoo sa China matapos makitang fake ang advertisement nitong mga panda sa zoo.
Nabisto kasi na ang mga panda ay mga aso pala na inayusan at kinulayan para magmukhang panda.
Inilunsad ang mga fake pandas sa Taizhou Zoo sa Jiangsu Province noong May 1, 2024.
Napag-alamang mga Chow Chow dogs pala ang mga ito, ayon sa ulat ng New York Post.
Ginupitan ng zoo officials ang balahibo ng mga aso at kinulayan ng itim at puti.
Nakalagay sila sa isang enclosure sa zoo para masilayan ng mga zoogoers mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.
Ang mga panda ay endemic bear specis sa China, kung saan matatagpuan sila sa anim na mountainous regions sa Sichuan at sa mga katabing Shaanxi at Gansu.

Read:
- Labandera sends 6 kids to school; all 6 professionals now
- Pinoys answer TikToker asking why Filipinos smell good
WHY THE ZOOM PAINTED DOGS TO LOOK LIKE PANDAS
Nang tanungin ang staff members ng zoo kung bakit ginamit nila ang mga Chow Chow dogs para maging huwad na panda, sinabi nilang walang panda bears sa zoo at ito ang naisip nilang paraan.
Pakiramdam tuloy ng zoogoers ay nalinlang sila.
Inakusahan din nila ang zoo ng animal cruelty bagamat nanindigan ang zoo officials na hindi harmful ang ginawa nila sa mga aso.
Katuwiran ng isang zoo official, “People also dye their hair. Natural dye can be used on dogs if they have long fur.”
Paano nalamang fake ang pandas?
Obserbasyon ng ilang netizens, masyadong mabilis kumilos ang mga aso para maging panda.

Hindi na bago ang ganitong uri ng panlilinlang.
Ganitung-ganito rin ang ginawa ng isang zoo sa Zhengzhou, China noong 2014.
Marami kasing zoogoers ang naghahanap ng panda, na mailap at mahirap mahanap.
