Sa hirap ng buhay, para-paraan talaga para lang makakain.
At isang Lithuanian tourist in his 50s na kinilalang si Aidas J. ang naging laman ng international news dahil sa kanyang "heart-stopping" method.
Ayon sa isang local newspaper sa Spain, 20 times nang inaresto ang Lithuanian tourist na namamalagi sa Alicante City, Spain, dahil sa kanyang krimen.
Nagkukunwari siyang inaatake sa puso kapag oras na ng bayaran sa mga kinakainang restuarants.

The Lithuanian tourist in Alicante City, Spain, who has been arrested a number of times for faking heart attack to escape paying bills.
Read: Grandma asks for alms for grandson’s grad pic worth PHP180
ONE OF THE MANY "HEART ATTACK" METHODS OF Lithuanian tourist
September 20, 2023 nang iulat sa 20 Minutos, isang Spanish newspaper, ang isang insidente ng pag-aresto sa kanya ng mga pulis.
Ang naging target ng Lithuanian tourist ay ang tapas and seafood restaurant na El Buen Comer.
Maayos ang kanyang pananamit kaya noong um-order siya ng whiskey at paella, walang kamalay-malay ang waiter na hindi nito kayang bayaran ang bill na umabot ng $37 (PHP2,000).
Nung nagtangka siyang umalis, hinarang siya at sinabihang kailangan muna niyang magbayad.
Sinabi ng turista na kukuha lang siya ng pera sa tinutuluyang hotel.
Nang hindi siya payagan, nagpanggap ito na masama ang pakiramdam at humandusay sa sahig na parang inaatake sa puso.
Pero hindi nakumbinsi ang staff kaya tumawag sila ng pulis.
Pagdating ng mga pulis, isa sa kanila ay kinumpirmang pang-apat na beses na niyang inaresto ang lalaki.
Ibig sabihin, paulit-ulit nang ginagawa ito ng lalaki at paulit-ulit na rin siyang nahuli ng mga pulis.
Sinabi rin ng pulis na nakikita raw niyang nakangiti pa ang salarin sa tuwing inaaresto, at halatang hindi nababagabag na matutulog sa selda bago humarap sa judge.
Nang lumabas ang ulat, sinabi ritong haharap ang salarin sa isang “quick trial” sa investigative court ng siyudad sa kasong “minor crime of fraud.”
Magtatagal lamang ng isa at kalahating buwan o six weeks ang pagkakakulong niya.
Read: Student, accidentally receives PHP44M in account; convicted
Ang ginawa naman ng owner ng El Buen Comer restaurant ay ikinalat niya ang mga larawan ng salarin sa provincial hospitality association ng Alicante City para makilala ito at hindi na makapambiktima.
Ang iba pang restaurant owners na nabiktima ay nanawagan na makulong ang Lithuanian tourist ng hanggang dalawang taon.
Sinabi naman ng isang abogado na sinamantala ng salarin ang legal system, kung saan itinuturing na menor ang kanyang krimen at hindi siya makukulong nang matagal.
