PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Homeless Gen Z doesn’t pay rent for being hot and pretty

“I love pushing the boundaries of pretty privilege..."
by KC Cordero
Published Jun 24, 2024
Photo of Emily Webb inside a bar
Wala pang makuhang apartment si Emily. Pero habang homeless siya, hindi niya pinuproblema ang rent dahil parating may nag-o-offer sa mga nakaka-date niya na sa bahay muna ng mga ito matulog. “Life hack: If you’re hot, don’t ever pay rent.”

Kabilang si Emily Webb sa Generation Z or Gen Z, na isinilang sa pagitan ng late 1990s hanggang early 2010.

Twenty-five years old ngayon si Emily, na taga- Gold Coast, Australia.

Photo of Emily Webb
Dahil sa angking ganda ni Emily Webb, hindi mahahalatang isa siyang homeless. Photo: @emwebbily on TikTok

Sa artikulong inilathala ng news.com.au, isang major media company sa Australia last June 18, 2024, sinabi niyang isa siyang homeless.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang kotse nakalagay lahat ng mahahalaga niyang gamit.

Pero hindi niya problema sa ngayon ang matitirhan dahil, partly, hot and pretty siya.

Some days, nakikitulog siya sa mga kaibigan; some days, nakikipag-date para may maayos na mapagpapahingahan pagsapit ng gabi.

Kaya malaki ang natitipid niya.

Read: Architect entrusts signage project to 72-year-old homeless stranger; his story goes viral

CAN AFFORD MAG-RENT PERO WALANG MAKITANG APARTMENT KAYA HOMELESS PA RIN

Matagal nang nag-apply si Emily para sa marerentahang apartment.

Kaya rin umano niyang magbayad ng 2,660 Australian dollar o PHP104,432.67 per month kung uupa siya.

At kung bakit mayroon siyang budget, isa siyang content creator at sikat ang kanyang OnlyFans account na may mahigit 100,000 followers sa Instagram.

Hindi niya binanggit kung magkano ang kanyang kinikita.

Photo of Emily Webb wearing two-piece swimsuit
Content creator si Emily Webb sa OnlyFans app, at afford naman sana niya na kumuha ng sariling apartment. Photo: @emwebbily on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isang content creator sa OnlyFans ay kumikita sa pamamagitan ng pagdami ng kanyang subscribers at pagbabayad ng mga ito para mapanood ang kanyang adult content.

Bukod dito, kumikita rin ang content creator sa direct messaging, tips, promo shout-outs, coaching, at livestreaming.

Kung tutuusin, hindi kandidato si Emily para maging homeless.

Pero dahil may rental crisis sa buong Australia at sobrang competitive ng market para sa mga gustong mag-rent, hindi pa siya makahanap ng place na matatawag niyang kanya.

Sinabi ni Emily na kahit nag-offer na siya na magbayad ng hanggang one-year advance sa isang apartment, hindi pa rin siya makakuha ng mauupahan.

Read: Dahil sa viral TikTok video, palaboy isa na ngayong promotions manager

PRIVILEGE ANG PAGIGING PRETTY AND HOT

At dahil nga maganda siya, lately ay hindi na niya pinuproblema kung hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin siyang mahanap na matitirhan.

Sa isa niyang video ay sinabi ni Emily na hindi siya makapaniwala na sa mga nakalipas na panahon ay nag-aksaya lang siya ng pera sa pangungupahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Photo of Emily Webb
Ibinabahagi ni Emily Webb sa isang niyang video kung bakit isang privilege ang pagiging hot and pretty. Photo: @emwebbily on TikTok

Aniya, “Life hack: If you’re hot, don’t ever pay rent.”

Ibinunyag din niya sa video na ginagamit niya ang Hinge, isang dating app, at nakikipanuluyan sa bahay ng iba’t ibang guys kapag nahihiya na siyang mag-stay sa place ng kanyang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Emily, “I’ve been on dating apps finding different guys’ places to stay with, and it is going surprisingly well.

“I don’t mention that I’m homeless and I don’t think I look homeless.

“I don’t usually tell them. I don’t want to put pressure on anyone.”

May weekly schedule na si Emily.

Four times a week ay sa mga kaibigan siya nakikitulog, at nakikipag-date naman siya three times a week.

Madalas ay iniimbitahan siya ng lalaking nakaka-date na mag-stay sa place nito sa gabi.

Karamihan aniya sa mga lalaking nag-iimbita sa kanya ay malilinis naman ang tinutuluyan.

“I have so many friends on the Gold Coast, but I don’t want to overstay my welcome or be a burden.

“I don’t mind being a burden to random men.”

Read: Palaboy na yumakap sa ABS-CBN broadcaster, pumanaw na

HINDI HABAMBUHAY NA HOMELESS, PINAYUHAN NG NETIZENS NA MAG-INGAT

Sambit pa ni Emily, so far ay wala pa namang nangyaring masama sa kanya sa pakikipag-date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kung hindi man maging okay ang kalabasan ng kanyang date, hindi niya pine-pressure ang sarili na mag-stay sa place ng lalaki dahil lagi namang handa ang sinuman sa kanyang mga kaibigan na kupkupin siya for a night.

Dagdag pa niya, sa kanyang sitwasyon ngayon na mayroon siyang kalayaan, pakiramdam niya ay less vulnerable siya.

At nararamdaman din niya ang mga benepisyo.

“It is good not paying rent.

“The places I’m looking at are around AUD1,000 [PHP39,260.40] a week, and I’m saving so much.”

Read: Helpful hairstylist makes homeless people happy with haircuts

Kung nakakaipon man siya ng pera dahil sa pakikipag-date, hindi ito ang long-term plan ni Emily.

“I love pushing the boundaries of pretty privilege and seeing how far I can take it.

“You’re only single and hot once, and I love taking advantage of it anywhere it can.”

Umaasa siyang sa malapit na hinaharap ay makakakita na siya ng sariling place.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin siya tumitigil sa paghahanap ng mauupahan.

Pero dahil sa kanyang nakukuhang privilege sa pagiging pretty and hot, nagkaroon siya ng chance na maging mapili sa lugar na rerentahan.

“I just realized I’m fine without a place. I feel like any day I could have a rental.”

At kumpara aniya sa ibang naghahanap ng mauupahan, ani Emily, “I’m not extremely stressed.”

Sa mga nagkomento sa video ni Emily, marami sa mga ito ang nagpayo na mag-iingat siya sa kanyang pakikipag-date.

Screenshot of Emily Webb's TikTok video
Sa kabila ng kanyang natatanggap na privileges dahil sa pagiging maganda, pinag-iingat pa rin si Emily ng mga netizens--na ang iba ay nakaka-relate sa buhay ng isang homeless. Photo: @emwebbily on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit daw maaayos naman ang mga lalaking nag-iimbita sa kanyang matulog sa place ng mga ito, hindi pa rin siya dapat maging kumpiyansa.

May mga nagsabi rin na sa mga gabing hindi siya sa mga kaibigan matutulog, tutal ay may budget naman siya, mag-hotel na lang siya para mas safe.

Ang iba ay nag-offer din ng libreng tulog sa place ng mga ito.

Marami rin ang nag-wish na sana ay makakita na siya ng marerentahan dahil nakaka-relate sila sa kanyang sitwasyon.

Read: Nurse na nagpaanak sa isang homeless woman sa highway, ayaw magpakilala

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pang makuhang apartment si Emily. Pero habang homeless siya, hindi niya pinuproblema ang rent dahil parating may nag-o-offer sa mga nakaka-date niya na sa bahay muna ng mga ito matulog. “Life hack: If you’re hot, don’t ever pay rent.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results