PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Museum worker throws away artwork mistaken for empty beer cans

Napagkamalang basura
by KC Cordero
Published Oct 21, 2024
The artwork that looks like empty beer cans
Sobrang detalyado ang pagkakapinta ng artist gamit ang acrylic sa lata ng beer kaya aakalaing actual beer cans sila. (Photo courtesy of LAM Museum)

Ang artwork ng French artist na si Alexandre Lavet na tinawag na All The Good Times We Spent Together ay aakalaing basura.

Kahawig kasi ito ng dalawang beer cans na wala ng laman at may yupi pa.

Kung pagmamasdang mabuti, napaka-detalyado ng hand-painted design gamit ang acrylic bilang medium.

Patterned ito sa isang popular beer brand sa Belgium.

Read: Horrible painting found by junk dealer is a Picasso worth PHP338M

Photo of the artwork
Kopyang-kopya ng artist ang hitsura ng actual beer cans, at parang naka-print ang label sa mismong mga lata. Photo: LAM Museum
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Call to free OFW Mary Jane Veloso widens, rings loud via art

Mahabang panahon din ang ginugol ng artist para mabuo ang obrang sumisimbolo sa masasayang oras na pinagsamahan ng magkakaibigan.

Si Alexandre Lavet ay ipinanganak noong 1988.

Ang kanyang mga obra ay naitampok na rin sa malalaking galleries and museums gaya ng Durst Britt & Mayhew sa The Netherlands.

Read: Artist creates diorama of 1939 family home: “Para mabalikan ko ang masasayang alaala.”

ANG MENSAHE NG KAKAIBANG ARTWORK

Ang All The Good Times We Spent Together artwork ni Alexandre ay kasalukuyang naka-exhibit sa LAM Museum sa Lisse, Netherlands.

Paglalarawan ng museum sa kakatwang artwork, “While evenings spent enjoying drinks may seem trivial in the grand scheme of things, they ultimately embody precious moments of connection.”

Read: Paintings of 2-year-old artist sell for PHP400K

Ang LAM Museum ay kilala sa pagdi-display ng featured works sa kakatwang paraan, at kung minsan ay nilalagay ang mga obra sa random locations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Our art encourages visitors to see everyday objects in a new light,” ayon kay LAM Museum Director Sietske van Zanten.

“By displaying artworks in unexpected places, we amplify this experience and keep visitors on their toes.”

Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item

ARTWORK NAITAPON DAHIL NAPAGKAMALANG BASURA

Nakalagay ang artwork ni Alexandre sa isang glass lift shaft, at nagpapahiwatig na parang iniwan ang mga beer cans matapos maubos ang laman.

Sa inilabas na statement ng LAM Museum last October 1, 2024, napagkamalan nga ng lift operator na basura ang artwork ni Alexandre—at itinapon iyon.

Read: 13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike

The artwork's original placement
Ang artwork nang matagpuan sa basurahan. Kung hindi napansin ng isang museum curator na wala na ito sa puwesto, baka tuluyang naitapon. Photo: LAM Museum
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Mahigit PHP3M na perang ididikit sa artworks, ibinulsa ng artist; blank canvas lang ang ipina-frame

Na-retrieve din naman agad ng staff ng museum ang artwork sa basurahan.

Matapos linisin, inilagay ang mga beer cans sa isang platform malapit sa entrance ng museum para hindi na uli aksidenteng maitapon.

Hindi naman sinisi o kinagalitan ng museum ang lift operator na nagtapon sa artwork.

Para sa museum director, ang nangyari ay pruweba na epektibo si Alexandre Lavet bilang artist.

Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs

ARTWORK MAY KASAMA RING RESIBO

Ang museum curator na si Elisah van den Bergh ang nakapansin na nawawala ang artwork.

Nakita niya ang mga beer cans sa isang bin bag ilang minuto bago kunin ang mga basura ng museum para tuluyang itapon.

Ani Elisah, “We have now put the work in a more traditional place on a plinth so it can rest after its adventure."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyang-katwiran din niya na ginawa lang ng lift operator ang trabaho nito.

Read: Estudyante gumagawa at nagbebenta ng maliit na bahay para matupad ang malaking pangarap

Artwork with receipt
Nakadagdag sa maling akala ng museum worker ang resibong kasama ng artwork. Photo: LAM Museum

Read: Unfinished Amorsolo painting, sino nga ba ang modelo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kasama rin kasing resibo ang artwork kaya aakalaing totoong beer cans sila na iniwan matapos maubos.

Napag-alaman ding bago pa lang sa trabaho ang staff kaya hindi pa ganoong trained sa mga kakaibang artworks sa museum.

Hindi rin siya ang dapat na naka-duty at humalili lang sa regular lift operator na absent noong araw na mangyari ang insidente.

Read: Estudyanteng gutom na, kinain ang saging artwork worth PHP6M

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sobrang detalyado ang pagkakapinta ng artist gamit ang acrylic sa lata ng beer kaya aakalaing actual beer cans sila. (Photo courtesy of LAM Museum)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results