Patuloy na pinag-uusapan ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Barcelona: A Love Untold dahil matapos ang limang taon ng pagsasama ng kanilang love team ay finally ay nag-kiss na sa big screen ang Kathniel.
Sa blog conference ng kanilang bagong pelikula kahapon September 14, 2016 sa ABS-CBN ay nakapanayam ng PEP.ph at ilang bloggers sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Direk Olivia Lamasan at ang writer na si Carmi Raymundo tungkol sa pelikula na kumita ng P23 million sa opening day nito.
Read: Kathryn-Daniel starrer Barcelona: A Love Untold earns P23 million on opening day
Direk Olive: “From the beginning of the project umupo kami at inilatag namin sa kanila yung kwento, tapos tinanong namin sila, kung ready na ba sila [sa kissing scene]?
“It’s not for gimik sake, it’s part of the story, parte yun ng gagawin ng karakter nila sa pelikula, so, nilatag namin sa kanila yun, at sila mismo ang sumagot.”
Kathryn, how did you prepare for that scene?
Kathryn: “Siyempre nag toothbrush ako (sabay tawa). Noong una pa lang kasi na nag-meeting kami nila Inang Olive, sinabi niya, you have to do it, kasi nga itong project daw na ito ang perfect time para gawin yun.
“Sabi namin ni DJ, na kung ako rin yung fan, ilang beses na silang na 'hopia' [hoping for a kissing scene] sa ibang movie na ginawa namin, so, perfect siyang gawin dito sa bagong movie naming Barcelona, kasi kailangan sa istorya. Yung love kasi ni Ely [played by Daniel Padilla] doon sa pinagdaanan nila ni Mia [played by Kathryn] ay kulang talaga, pag wala yun.”
Umamin rin si Kathryn na noong kinunan nila ang kissing scene, nanginginig ang mga labi niya.
Kathryn: “And doing that, na nandun din si Direk Kathy at Inang Olive, nanonood sila on screen during the shoot, habang ginagawa namin ni DJ yun ay nanginginig yung labi ko. Nakakakaba siya, kasi ang daming tao, siyempre maiilang ka. After nung 1 take, sa practice pa lang [Kathryn demonstrated the kissing scene with her hands], sabi ni Inang, take na!
“Nanginginig talaga yung lips ko, tinanong ko si DJ, “Sa 'yo ba yung nanginginig na lips? Sabi ni DJ, 'Hindi 'no! 'Sa 'yo yun.'
Nailang talaga ako but then after, nakuha naman sya ng isang take. Si Mama [Min] nandun naman siya, preniview niya naman after, so, nakakakaba pero nung napanuod ko siya after doing that parang worth it naman talaga, happy naman ako na binigay namin yun with Inang Olive.”
Para kay Kathryn, good kisser si Daniel.
Noong nag-guest sina Kathryn at Daniel sa Tonight With Boy Abunda at sa portion ng fast talk ni Tito Boy ay tinanong ni Daniel si Kathryn kung good kisser ba daw sya, ito ang sagot ni Kathryn, “Nung shinoot yun Tito Boy, nanginginig talaga yung lips ko pero siya talaga yung nag-alalay sa 'kin on that scene, I guess the answer is YES."
Anong masasabi niyo rin na halos hinubaran na raw kayo sa pelikula, because you gave your everything in this movie? What can you say about that?
Daniel: “Siguro emotionally! Emotionally hinubaran kami, in a way hinubaran na, ibinigay na namin ang lahat and talagang binigay namin kay Inang Olive ang lahat, wala kaming tinago, yun ang ibig sabihin na hinubaran kami, walang kaming tinago, binuksan namin ang aming sarili para sa pelikula. I think yun yung way para mag work talaga eh, kasi ang hirap nga, e. Mahirap kami yung bina-block mo yung sarili mo, e, sinunod namin yung sinabi ni Inang na wag i-block, so totoo!”
Pero siyempre nilinaw nina Kathryn, Daniel, Direk Olive at ng writer na si Carmi Raymundo (na hindi lang dapat mag focus dun sa ending ng movie ang mga manunuod, dapat din daw nilang panuorin ang ganda ng istorya ng pelikulang Barcelona: A Love Untold dahil ipinakita rito ang buhay ng mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Nagpasalamat sina Kathryn at Daniel sa lahat ng nanuod sa kanilang first day dahil ini-announce nila na inabot na P23 million ang first day ng kanilang pelikulang Barcelona: A Love Untold na graded B ng Cinema Evaluation Board.