PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica had to lose over 15 lbs for Hermano Puli biopic

Aljur Abrenica hopes Filipinos would acknowledge Hermano Puli as a hero.
by Nikko Tuazon
Published Sep 21, 2016
Aljur Abrenica on why he had to lose 15 lbs. for Hermano Puli biopic: "It's part of the script na being a preacher, sa paniniwala na kalayaang magkaroon ng pagdarasal sa Diyos. Nagkaroon ng insanity, e, dahil pinaglaban nila sa munisipyo na gawin legal ang...and nagkaroon ng giyera… And sa script, ang interpretation ko, he lost sleep, hindi na siya kumakain because there's a lot of people na kailangan niyang i-hide."


Mas importante para kay Aljur Abrenica na makilala ng mga Pilipino ang local hero na si Apolinario de la Cruz kaysa sa umani ng papuri sa kanyang performance sa pelikula na Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli.

Ang historical biopic na ito na idinirek ni Gil Portes at magsisimulang mapanood sa mga sinehan ngayong September 21.

Ang nais lang daw ng GMA-7 actor ay makilala ng bawat Pilipino ang naiambag ni Hermano Puli sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ani Aljur, "Hindi naman ako nag-e-expect ng good feedback. Wala na sa isip ko yun. For me, ang focus ko, ang attention nasa buhay ni Hermano Puli."

Dagdag nito, "Kasi ako, nung nalaman ko yung buhay niya, kung sino yung muna ininspire niya na mga Filipino heroes natin, pinut ko na yung sarili ko na I just want to give justice dun sa role.

"Our mission is after this film, mabigyan na siya ng acknowledgement dito sa bansa natin. Para sa akin kasi, dapat makilala siya ng mga estudyante para mas malaman nila yung, mas magkaroon sila ng kaalaman sa kasaysayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Aljur sa grand press conference ng kanyang pelikula sa Limbaga 77 restaurant sa Quezon City.

Read: Aljur Abrenica admits getting depressed over 'wooden acting' criticism


Bilang paghahanda sa kanyang karakter na gagampanan, maiging nag-research si Aljur tungkol sa naging buhay ni Hermano Puli sa Quezon province.

Bumisita pa ito sa nasabing probinsya upang personal na makita kung saan namalagi ang bayani. Ngunit ikinalungkot niya nang malaman na maging ang mga taga-Quezon ay iba-iba ang kuwento tungkol kay Hermano Puli. Ito ang nagbigay din sa kanya ng inspirasyon na pag-igihan ang kanyang pagganap sa pelikula.

Sabi ni Aljur, "Sad to say, hindi rin eksakto yung mga sinasabi nila. Kahit sila doon, iba-iba [yung mga kuwento]. Umabot pa na nabasa ko yung diary ni Rizal sa Spain. Hindi na ako pumunta doon, sa research ko lang nagpasalamat siya kay Hermano Puli."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa kanyang research, kinailangan din daw nitong magbawas ng 15 lbs sa kanyang timbang upang maging kapani-paniwala ang kanyang pagganap.

Paliwanag ng 26-year-old actor, "It's part of the script na being a preacher, sa paniniwala na kalayaang magkaroon ng pagdarasal sa Diyos. Nagkaroon ng insanity, e, dahil pinaglaban nila sa munisipyo na gawin legal ang ano, and nagkaroon ng giyera… And sa script, ang interpretation ko, he lost sleep, hindi na siya kumakain because there's a lot of people na kailangan niyang i-hide."

Malaki naman ang tiwala ni Aljur sa kanyang naging performance sa pelikula dahil sa haba ng preparasyon na kanilang ginawa para dito.

Aniya, "Sa performance kasi sa film, we're all prepared, e. I think more than five months of preparation kasi naputol kami, dapat last year pa, e. So I had all the time to prepare and nung nadun na kami, para na lang kaming naglalaro, kahit kaming magkakapatid."

Kasama ni Aljur sa pelikulang ito ang kanyang mga kapatid na sina Vin at Allen.




CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Aljur Abrenica, Hermano Puli
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica on why he had to lose 15 lbs. for Hermano Puli biopic: "It's part of the script na being a preacher, sa paniniwala na kalayaang magkaroon ng pagdarasal sa Diyos. Nagkaroon ng insanity, e, dahil pinaglaban nila sa munisipyo na gawin legal ang...and nagkaroon ng giyera… And sa script, ang interpretation ko, he lost sleep, hindi na siya kumakain because there's a lot of people na kailangan niyang i-hide."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results