PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica admits getting depressed over 'wooden acting' criticism

Aljur Abrenica reveals how he overcame his depression.
by Nikko Tuazon
Published Sep 14, 2016
Kapuso actor Aljur Abrenica on how he dealt with criticisms: "Sinadya ko talagang magkaroon ng oras para sa sarili ko. I analyzed and I traveled para makapag-isip and then, na-realize ko na, well, kaya nila nasasabi yun. Kasi before, I didn't understand why. I'm doing my best."

Inamin ni Aljur Abrenica na nasaktan siya sa mga negatibong komento tungkol sa kanyang pag-arte.

“Yes, it was really hard for me. Umabot pa ako sa different stages ng pagkalungkot, e,” sabi ng Kapuso actor sa grand press conference ng upcoming film niyang Ang Hapis At Himagsik ni Hermano Puli.

Naganap ang presscon nitong Martes, September 13, sa Limbaga 77 restaurant, sa Quezon City.

Matatandaang binansagan ng ilang kritiko si Aljur na may "wooden acting" simula nang gampanan nito ang title role sa TV version ng Machete noong 2011.

Tila na-depress si Aljur dahil dito kaya naman pinili nitong pansamantalang mag-break sa showbiz at magbakasyon upang makapag-isip.

Isa sa kanyang tinukoy ay nang magbakasyon siya nang mag-isa sa Batanes noong 2015, kasabay ng kanyang 25th birthday.

Read: Aljur Abrenica travels solo to Batanes for his birthday

Kuwento ni Aljur, “Sinadya ko talagang magkaroon ng oras para sa sarili ko.

“I analyzed and I traveled para makapag-isip and then, na-realize ko na, well, kaya nila nasasabi yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi before, I didn't understand why. I'm doing my best.”

Patuloy niya, “When I influenced myself with films and other cultures, kulang pa ang kaalaman ko.

“That's why I studied, nag-aral ako, tapos nanood ako ng history ng film, who's the father ng acting, yung evolution ng acting sa industry.”

Bukod dito, nagbasa rin siya ng biography ng mga batikang aktor at humugot ng inspirasyon mula rito.

Isa sa mga tinitingalang aktor ni Aljur ay ang yumaong American actor at two-time Oscar winner na si Marlon Brando

“Na-surprise ako kasi yung buhay nila is very similar, mga greatest actors.

“So I put them as an inspiration, tapos from then on, nag-venture na ako sa sarili ko, from my life.”

Matapos ito, ginamit na raw ni Aljur ang kanyang mga natutunan sa kanyang pagbabalik sa pag-arte, simula sa Hermano Puli at maging sa indie film na Expressway.

Sabi ng 26-year-old Kapuso actor, “When this film came, na sakto nga, e, sakto itong pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ginawa ko na yung mga kailangan kong puwedeng gawin para mapaganda yung pelikula.

“As an actor, I did my best.

“More than that, ang talagang habol namin is makilala siya [Hermano Puli] and mabigyan ng recognition.

“From all the films na ginawa ko, sa lahat ng projects na ginawa ko, I'm always giving my best. Kahit dati pa na kini-criticize tayo.

“It's just that, at that time, hindi lang aware pa sa industry.

“And I'm very thankful sa mga taong nakapaligid sa akin na nagga-guide sa atin.

“Mga TV director, mga kaibigan ko, lalung-lalo na nung makapasok ako sa mundo ng indie film.

“Yung compassion nila sa kapwa artist. I really saw yung totoong mundo ng mga artist nung nakapag-independent film ako, kasama ito [Hermano Puli].”

WORKING WITH LOUISE. Samantala, dumako rin ang usapan sa muling pagtatambal nina Aljur at Louise delos Reyes sa Hermano Puli.

Unang nagkatambal ang dalawa sa Kapuso primetime series na Kambal Sirena noong 2014.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaroon din ng isyu ang dalawa nang ma-link sina Aljur at Louise sa isa't isa.

Ito diumano ang naging dahilan ng hiwalayan ni Aljur at ng dating girlfriend niyang si Kylie Padilla, ganun din ang relasyon ni Louise at ng dating boyfriend nitong si Enzo Pineda.

Itinanggi ni Louise ang bagay na ito at pinanindigan na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Aljur.

Read: Louise delos Reyes denies causing Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup; speaks up about rumored pregnancy

Hindi naman daw nahirapan si Aljur na makatrabaho muli si Louise.

Aniya, “Marami na rin akong naging relationship, so sa mga levels ng pinagdaanan ko, extreme talaga — anger, selos, lust... sabihin na natin 'yan.

“Nung nakatrabaho natin si Louise, I was really in character.

“Naramdaman ko yung hirap din ni Hermano Puli sa commitment niya sa ano, kasi lalaki din siya.

“Dumaan din ako dun and talagang sinadya kong dumaan dun while I was preparing for this film.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang naramdaman niya sa mga sweet moments nila ni Louise sa pelikula?

Sagot ni Aljur, “It's different, di ba? Tingnan mo lang, meron na, hawakan mo lang yung kamay…

“Hawakan mo lang yung mukha, tingnan mo lang mula ulo hanggang pa, it's times 10, times 20 pa yata, ganun.”

Read Next
Read More Stories About
Aljur Abrenica
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Aljur Abrenica on how he dealt with criticisms: "Sinadya ko talagang magkaroon ng oras para sa sarili ko. I analyzed and I traveled para makapag-isip and then, na-realize ko na, well, kaya nila nasasabi yun. Kasi before, I didn't understand why. I'm doing my best."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results