Is Cristine Reyes not getting any financial support from husband?

by Rachelle Siazon Video: Rachelle Siazon
Mar 6, 2019
Cristine Reyes admits she's solely responsible for her and daughter's financial expenses: "Ever since naman po, ako lang talaga nagwo-work for myself... Nobody really helps me financially."
PHOTO/S: Noel Orsal / @mralikhatibi Instagram

Solo na nga lang bang itinataguyod ni Cristine Reyes ang pinansiyal na pangangailangan ng anak nila ni Ali Khatibi?

Ito ang iniwang palaisipan ni Cristine nang ibunyag niyang wala siyang ibang maaasahan pagdating sa financial matters kundi ang kanyang sarili.

Diretsong tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributing writer na si Gorgy Rula kung todo-kayod sa trabaho ang aktres dahil solo na lang itong nagtatrabaho para sa anak na si Amarah.

Prangkang sagot ni Cristine: "Ever since naman po, ako lang talaga nagwu-work for myself.

"I can really say that I'm self-made.

"Ever since I started working for 15 years, 2003, I also helped my family.

"Nobody really helps me financially."

Malaman ang sagot ni Cristine, na ang tanging binabanggit na nagpapaligaya sa kanya ay walang iba kundi si Amarah.

Tila makahulugan din ang paliwanag ni Cristine sa anak kung bakit puspusan ang aktres sa pagtatrabaho.

Hangga't maaari ay hindi raw kasi sila mapaghiwalay na mag-ina.

Continue reading below ↓

Ang huling bakasyon ng mag-ina ay nang magdiwang ng 30th birthday si Cristine sa Boracay nitong Pebrero.

"Kung puwede lang araw-araw kasama ko siya. Wala tayong magagawa, working mom tayo, e. Kailangan talaga magtrabaho, e," saad ni Cristine.

"Pero in-explain ko naman sa kanya, 'Mom has to work, baby, so that Mommy can pay for our hotel.'

"Kasi palagi siyang, 'Is there a hotel?' Hala! Gusto niyang naka-hotel palagi!"

Nakapanayam si Cristine ng entertainment press sa launch ng pelikula niyang Maria, sa Playhub events place sa Quezon City, nitong Miyerkules ng tanghali, Marso 6.

REPORTED SEPARATION FROM ALI

Sa buong panayam ay kapansin-pansing hindi binanggit ni Cristine ang pangalan ng mister niyang si Ali.

Mailap pa rin ang aktres sa kontrobersiyang diumano'y matagal na silang hiwalay na mag-asawa.

Ito ay kahit pa mismong nakatatanda niyang kapatid na si Ara Mina ay pahapyaw na kinumpirmang hindi na nagsasama bilang mag-asawa sina Cristine at Ali.

Continue reading below ↓

Base ito sa magkahiwalay na panayam kay Ara ng PEP Troika at PEP.ph contributing writer na si Rey Pumaloy nitong February 2019.

Kung anu't ano man ang sitwasyon ng rumored estranged couple, siniguro ni Ara na hindi pinagbabawalan ni Cristine si Ali na mabisita si Amarah.

Ito marahil ang dahilan kung bakit noong December 2018 ay namataang magkasama sina Cristine at Ali sa isang school event ng kanilang anak.

Siniguro rin ni Ara na positibo ang disposisyon ni Cristine, at mas madalas pa nga raw itong may oras para sa kanilang magkakapatid mula nang maghiwalay ito at si Ali.

NEW CRISTINE AT 30

Pinatotohanan naman ni Cristine na malaki na talaga ang kanyang ipinagbago ngayong 30 years old na siya.

"Iba na yung outlook ko sa buhay. Hindi ka na naghahanap ng kasiyahan sa buhay.

"Actually, wala akong hinahanap sa buhay.

"Dati kasi, nung bata ako, ayoko magtrabaho."

Aminadong panay reklamo pa raw siya noon kung bakit kailangan niyang magtrabaho.

Continue reading below ↓

Nakangiting dugtong ni Cristine, "Ngayong 30 na ako, no! I need to work! Wala nang fun, for me, ha. Gusto ko lang umuwi. Gusto ko lang makita daughter ko."

Panoorin ang aktuwal na interview ni Cristine sa video na ito:

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes admits she's solely responsible for her and daughter's financial expenses: "Ever since naman po, ako lang talaga nagwo-work for myself... Nobody really helps me financially."
PHOTO/S: Noel Orsal / @mralikhatibi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results