Jason Abalos reveals reason why he can’t marry Vickie Rushton yet

by Arniel C. Serato
Mar 7, 2019
Jason Abalos on bashers: "Sobrang dami nila, parang ang sarap maki-join.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Gustung-gusto na raw ni Jason Abalos, 34, bumuo ng sariling pamilya kasama ang longtime girlfriend na si Vickie Rushton, 26.

Sabi pa ng Kapuso actor, “Gusto ko na. Siyempre, oo, gusto ko na rin.

“Ayoko naman na parang tumanda ako na yung anak ko, hindi ko makakalaro.

“Siguro, sa age namin talaga, kailangan na rin, e.

Continue reading below ↓

“Ako, matagal na, matagal na.”

Ngunit hindi pa raw nila magawang pag-usapan ang pagpapakasal dahil may mga pangarap pa ang nobya na gusto nitong matupad.

Saad ni Jason, “Yun nga, e, may mga gusto pa siyang gawin.

“So, yun ang hinihintay ko na sana magawa niya lahat para... alam niyo yun?

Continue reading below ↓

“Ayoko naman dumating yung panahon na pagsisihan niya na hindi niya nagawa.”

Si Vickie ay naging housemate sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Kinoronahan siyang Mutya ng Pilipinas noong 2011 at naging 1st runner-up sa Binibining Pilipinas noong 2018.

Muli namang pinabulaanan ni Jason na nagsasama na sila ni Vickie ngayong halos pitong taon na rin ang kanilang relasyon.

Itinanggi na niya ito sa huling panayam sa kanya noong October 2018.

Ayon sa Kapuso actor, “Ay hindi, hindi...

"Sobrang conservative na tao yung pamilya ni Vickie.

"Kasal muna."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters si Jason sa pocket interview niya, kasama si Max Collins, para sa bago nilang teleseryeng pagsasamahan sa GMA-7, ang Bihag (dating Stolen).

Malapit na itong iere sa Kapuso network kung saan papalitan nito ang babakantehing timeslot ng My Special Tatay.

Continue reading below ↓

BASHERS

Halos lahat ng mga artista ay mayroong mga intrigang pagdadaanan—may katotohanan man o sadyang tsismis lamang.

Ano ba ang masasabi rito ni Jason, na minsan nang nasangkot sa isang malaking kontrobersiya may dalawang taon na ang nakararaan?

Tugon ng aktor, “Yung intriga kasi, hindi naman nawawala sa artista.

“Kapag pinag-usapan ka, mas matuwa ka pa kasi parang pag-uusapan ka, naaalala ka ng mga producers, may trabaho ka.

“So, parang kami, nasanay na kami na huwag na lang pansinin.

“Alam mo naman 'yan, totoo o hindi, alam mo naman sa sarili mo kung ano yung totoo talaga, e.

“Kumbaga, yung mga taong mahal mo sa buhay, alam nila kung anong tao ka, feeling ko mas importante yun.

“Madaming intriga na dumating sa buhay, yung iba kasi totoo.”

Tungkol naman sa bashers, pabirong sagot ni Jason, “Sobrang dami nila, parang ang sarap maki-join.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Abalos on bashers: "Sobrang dami nila, parang ang sarap maki-join.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results