Maine Mendoza quashes false stories about her and Alden Richards

by Rachelle Siazon
Mar 7, 2019
PHOTO/S: Marc Nicdao for YES! 2016 / @mainedcm Instagram

Mariing pinabulaanan ni Maine Mendoza ang pagpapakalat ng ilang netizens ng fabricated stories tungkol sa kanila ni Alden Richards.

Sina Maine at Alden ay sumikat sa tambalang AlDub, o Alden at Yaya Dub, sa "Kalyeserye" segment mula July 2015 hanggang December 2017, sa GMA Network noontime show na Eat Bulaga!

Lumalabas na nakarating kay Maine ang maling paniniwala ng ilang netizens na siya at si Alden ay magkarelasyon sa tunay na buhay.

Base ito sa blog entry ni Maine noong March 2.

"For the record, I was never in a relationship. I was never engaged. I was never married. I was never pregnant. (Malaki lang ang tyan!)

"Ms. Myrna, Baluyot, Joy Wang and the like are in no way connected to me, my friends, my pemily, and my management," paglilinaw ni Maine.

Dagdag niya, "I have no idea where they get their stories from but one thing for sure, everything is fabricated.

"Whatever their reasons are for doing that, I hope they will soon realize that there are a lot people being affected by their stories."

Continue reading below ↓

Sa usapan ng ilang AlDub fans sa Twitter, makikita ang ilang screenshots ng diumano'y social-media posts mula sa netizens na nabanggit sa blog entry ni Maine.

Mababasa rito na ipinipilit pa rin ng mga ito na magkarelasyon sina Maine at Alden.

Continue reading below ↓

Ito ay sa kabila ng paglilinaw ni Maine, sa kanyang March 2 blog post, na "good friends and workmates" lang talaga sila ni Alden.

"I believe I have already made myself clear last November 2017 that Alden and I are just friends.

"Still good friends and workmates up to this day.

"If you missed that part, please do read the letter again."

Kinumpirma rin ni Maine na sa tunay na buhay ay exclusively dating na sila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Kung nasaktan man daw ang ibang fans sa paghayag niya ng tunay niyang saloobin, umapela si Maine na sana ay maintindihan ng mga itong hiwalay ang trabaho sa kanyang personal na buhay.

MAINE APPEALS FOR HEALING AND UNDERSTANDING

Narito ang isang bahagi ng mensahe ni Maine sa ilang fans na dismayado at nambabatikos sa kanya:

"However, if you really choose to be at the opposite side of the peaceful virtual world, I don't think anyone can stop you at this time.

Continue reading below ↓

"Some people really do ~things~ as their way to release frustration and anger.

"I am sorry you have to go through that phase of the fangirling life.

"I am sorry if I have caused you pain that you certainly had to throw rocks at me to take back all the love you had given me.

"It may not make sense to me but I respect your feelings and method of healing.

"If that's your way to cope then so be it but always remember this, life will become so much better if we move on from the things and people weighing us down.

"I will continue to pray for your inner peace.

"Please keep in mind that I am, and will forever be thankful for everything that you have done for me."

Continue reading below ↓

MAINE'S BLOG SITE INACCESSIBLE?

At press time, tila "suspended" pa rin ang personal blog site ni Maine na www.mainemendoza.com.

Sa hindi malamang dahilan, hindi na ito ma-access mula nang ilathala ni Maine noong Sabado, March 2, ang kumpirmasyong "dating" na sila ni Arjo.

Kinabukasan, March 3, na petsa rin ng 24th birthday ni Maine, lumipad siya at si Arjo patungong Taipei, Taiwan, upang magbakasyon kasama ng ilang mga kaibigan.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa hiwalay na statement ng talent manager ni Maine na si Rams David, kinumpirma nitong kasama ng dalaga si Arjo at ilan pang mga kaibigan na nagbakasyon sa Taiwan.

Sinabi rin ni Rams na nirerespeto niya at malaki ang tiwala niya kay Maine sa anumang desisyon nito na may kinalaman sa personal nitong buhay.

READ: Kampo ni Maine Mendoza, hangad din ang kaligayahan ni Alden Richards

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Marc Nicdao for YES! 2016 / @mainedcm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results