Claudine Barretto no-show at Julia's birthday celebration

by Arniel C. Serato
Mar 11, 2019
Claudine Barretto and niece Julia Barretto (left) during the latter's debut in 2015. Last Saturday, March 9, Julia celebrated her 22nd birthday with mom Marjorie Barretto and grandparents Miguel and Inday Barretto to the occasion. Claudine was not able to attend this time.
PHOTO/S: Courtesy: @g3cafe / @marjbarretto on Instagram

Ipinagdiwang ni Julia Barretto ang kanyang ika-22 kaarawan kahapon, March 10.

Ngunit noong Sabado ng gabi, March 9, ginanap ang kanyang bonggang birthday celebration sa garden ng kanilang bahay.

Continue reading below ↓

Maraming celebrities ang dumalo sa pagtitipon, kabilang na ang nobyo nitong si Joshua Garcia.

Continue reading below ↓

Sa mga in-upload na larawan ng ina ni Julia na si Marjorie Barreto kahapon, March 10, makikitang masaya siya dahil dumalo sa kaarawan ng anak ang grandparents nitong sina Miguel at Inday Barretto.

Ngunit kapansin-pansing wala sa selebrasyon si Claudine Barretto, bunsong kapatid ni Marjorie at tita ni Julia.

Maiintindihan ng mga tao kung wala ang isa pang tita ni Julia na si Gretchen Barretto dahil may "silent war" sila ni Marjorie simula pa noong 2015.

Continue reading below ↓

Naayos na ang alitan nina Claudine at Marjorie kaya may mga nagtataka kung bakit wala ang una sa pagtitipon ng pamangkin.

Lalo pa't noong 18th birthday ni Julia sa Makati Shangri-La Hotel, Makati City, noong March 10, 2015, dumalo si Claudine at ang mga magulang nitong sina Miguel at Inday.

Wala rin sa 22nd birthday party ni Julia ang ama niyang si Dennis Padilla.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto and niece Julia Barretto (left) during the latter's debut in 2015. Last Saturday, March 9, Julia celebrated her 22nd birthday with mom Marjorie Barretto and grandparents Miguel and Inday Barretto to the occasion. Claudine was not able to attend this time.
PHOTO/S: Courtesy: @g3cafe / @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results