Dawn Chang reacts to negative comments after Chienna Filomeno revelations

by Bernie V. Franco
Apr 9, 2019
GirlTrend Dawn Chang (left) speaks up about accusations that she is a backstabber and plastic following co-member Chienna Filomeno's (right) Tonight With Boy Abunda interview.
PHOTO/S: @thedawnchang and @chiefilomeno on Instagram

Sunud-sunod ang panlalait at pambabatikos na natatanggap ni Dawn Chang sa comments section ng kanyang recent Instagram posts.

Ito ay may kinalaman sa rebelasyon ng fellow GirlTrends member niyang si Chienna Filomeno na sinisiraan daw siya noon ni Dawn at ng dating kamiyembro nilang si Erin Ocampo.

Ang GirlTrends ay ang all-female group na nagpe-perform sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Sa panayam ni Chienna sa Tonight With Boy Abunda noong April 4, sinabi nitong nakaalitan niya noon sina Dawn at Erin, at sinisiraan umano siya ng mga ito sa iba pa nilang mga kasamahan.

POSITIVITY DESPITE THE NEGATIVITY

Naging makahulugan ang recent posts ni Dawn sa Instagram, pero malinaw na tungkol ito sa pananatili niyang positibo sa kabila ng paninira ng ibang tao.

Sa comments secton, malaman din ang mga naging pahayag ni Dawn tungkol sa "katotohanan" tungkol sa mga rebelasyon ni Chienna.

Caption ni Dawn sa kanyang April 8 post: “Negative and toxic people will drag you down with their insults, criticism and put downs. Try not to stoop to their level.

Continue reading below ↓

"It is their own insecurities that drive their behavior and it has nothing to do with you. Move on and away from that negativity.”

Sa comments section, sunud-sunod ang pang-aalipusta ng ilang netizens kay Dawn.

Tinatawag siyang “plastic” “backstabber,” at “inggitera” dahil sa naging pag-amin ni Chienna.

Narito ang ilang pambabatikas sa kanya ng mga netizen:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

DAWN: "WE KNOW THE TRUTH."

Sa kabila nito, may netizens ding dumepensa kay Dawn.

Pinasalamatan pa nga ni Dawn ang isang netizen na nagsabing hindi dapat mambatikos ng kapwa kahit nakagawa ito ng hindi maganda.

Mahalaga pa rin daw ang pagbibigay ng respeto sa damdamin ng kapwa.

Naging makahulugan din ang mga sumunod na pahayag ni Dawn tungkol sa katotohanan.

Continue reading below ↓

“When you grow up, you stand by the truth and only by the truth.

"Do what is right. You don’t have to explain yourself to everybody," bahagi ng komento ni Dawn.

Continue reading below ↓

Isa pang netizen ang nagpakita ng suporta kay Dawn at ipinagtanggol ito mula sa bashers.

Sagot dito ni Dawn: “…people will believe whatever they want to believe in. I don’t have to justify anything. We know the truth!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GirlTrend Dawn Chang (left) speaks up about accusations that she is a backstabber and plastic following co-member Chienna Filomeno's (right) Tonight With Boy Abunda interview.
PHOTO/S: @thedawnchang and @chiefilomeno on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results