Kris Aquino takes indefinite leave from social media

by Arniel C. Serato
Apr 10, 2019
Kris Aquino temporarily bids goodbye to her 4.1 million Instagram followers: "i’m sure you’re now making bets on how long this will last, BUT i’m taking control, so my return is up to me, when i’m ready. Sana may mababalikan pa ko. Kung wala, wala pong sisihan."
PHOTO/S: Noel Orsal

Isang mahabang mensahe ang ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram followers kahapon, April 9.

Dito ay sinabi ni Kris, 48, na buo na ang kanyang desisyong mamahinga muna sa paggamit ng social media, partikular na sa Instagram kung saan mayroon siyang 4.1 million followers.

Nilinaw ng dating Queen of All Media na hindi ibig sabihin nito ay natalo siya ng kanyang mga kalaban kundi kailangan lamang daw niyang magpagaling.

Pahayag ni Kris [published as is]: “confession: i’m entering mine... for many months there was a NEED to prove: 'they' (not just the enemies you became aware of, but so many others) didn’t break me... yet in the process of protecting myself, i wasn’t allowing myself to heal.

“this is a RISK but before coming to this conclusion, i did the math to make sure the people who would be financially affected by my decision to step away, TO LIVE FOR ME, would in no way suffer from my decision.

"yes, there are projects i still look forward to happening, and God willing they shall... but i no longer have the strength to lie to all of you about how strong i am, because i am not.

"i became too good at putting on the “armor of a warrior” to make sure you mostly saw a HAPPY Kris, a BRAVE Kris, and a PALABAN Kris. She was trained to hide her insecurities, vulnerabilities, and fears."

Continue reading below ↓

DRAMA QUEEN

Kasunod nito, inamin ni Kris na hindi na niya kayang magkunwaring maayos siya at walang iniinda dulot ng kanyang "complicated medical diagnosis."

Saad niya, “For so long, bashers and trolls labeled me a 'drama queen' and for about a year-they’ve been right.

"This has been my best acting in my life: outwardly showing you that i was keeping it together, when deep inside i’ve been consumed by real depression, primarily because of my complicated medical diagnosis.

"i want to stop pretending i’m okay.

"i need to make peace with all that’s broken within me.

"and i need to do that PRIVATELY."

INDEFINITE LEAVE

Sa huli, sinabi ni Kris na hindi nito alam kung hanggang kailan niya kayang mamuhay nang walang social media.

Hindi rin daw siya sigurado kung may babalikan pa ba siyang karera—sa showbiz man o sa social mediamatapos ang matagal-tagal na panahong lalayo siya rito.

Pamamaalam pa niya sa kanyang mga tagasuporta: “i’m sure you’re now making bets on how long this will last, BUT i’m taking control, so my return is up to me, when i’m ready.

Continue reading below ↓

"Sana may mababalikan pa ko. Kung wala, wala pong sisihan.

“Comments shall be turned off, di ko rin naman mababasa, because the IG app on my 2 phones will for now be deleted.

"IG is my sole sovereign digital territory.

“If you wish me well, sincerely, THANK YOU.

"If you are saying “thank you, good riddance”- YOU’RE WELCOME.

#selflove #healing #privatelife#anonymous

Continue reading below ↓

FOR GOOD?

Noong Enero 2019, sinabi na rin ni Kris na hindi muna siya magsu-social media dahil sa kanyang iba’t ibang karamdaman.

Ngunit, habang nasa Singapore, biglaan siyang nag-Instagram Live upang linawin ang ilang isyu na kinasasangkutan niya.

Payo nga ng kanyang kumpare at kaibigang si Ogie Diaz, dapat ay manahimik muna si Kris dahil hindi ang kanyang mga sakit ang papatay sa kanya kundi ang kanyang pagsu-social media.

Sa ngayon, may court battles pa ring kinahaharap si Kris laban sa kanyang dating business associate na si Nicko Falcis.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino temporarily bids goodbye to her 4.1 million Instagram followers: "i’m sure you’re now making bets on how long this will last, BUT i’m taking control, so my return is up to me, when i’m ready. Sana may mababalikan pa ko. Kung wala, wala pong sisihan."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results