Michelle Dee explains why she didn’t join Bb. Pilipinas this year

by Arniel C. Serato
Apr 17, 2019
Michelle Dee on mom Melanie Marquez's relationship with her dad Derek Dee: "Well, their relationship was a lot better than her other ex-husbands. They’re good friends."
PHOTO/S: Noel Orsal

Marami ang humihikayat kay Michelle Dee, 23, na sumali sa Bb. Pilipinas dahil taglay nito ang itsura at tindig ng isang beauty queen katulad ng nanay niya.

Si Michelle ay isa sa mga Bb. Pilipinas daughters, whose mom iMelanie Marquez won the Miss International title in 1979.

Continue reading below ↓

Kuwento ng aspiring Kapuso actress, "This year, wala po.

"I didn’t join this early, pero may pag-asa po, I will join din.

"I'll join naman. Just the right time."

Ano ang advice ng kanyang inang si Melanie—na nanalong Miss International noong taong 1979—pagdating sa beauty pageant?

Tugon ng modelo, "She just tells me to do my 110% in everything I do.

"Huwag ko daw pasukin yung isang bagay na hindi ako ready.

"Huwag pasukin yung isang bagay na wala dun yung puso ko.

"And hindi naman siya nagpu-push sa akin to follow a certain path or certain pageant, show or track.

"She's very supportive of who I am."

MICHELLE ON HER PARENTS' SEPARATION

Sa ngayon ay mag-isa lamang sa kanyang bahay si Michelle.

Mas gusto daw niya ang independent living upang matutunan niyang tumayo sa sariling mga paa.

Ang kanyang mga magulang na sina Melanie at Derek ay matagal nang hiwalay.

Continue reading below ↓

Pero civil naman daw ang relasyon ng dalawa.

Sabi pa ni Michelle tungkol kina Melanie at Derek: "Well, their relationship was a lot better than her other ex-husbands.

"They’re good friends.

"I don’t think that has ever changed."

Samantala, abala naman si Michelle sa dalawang proyekto niya ngayon: ang pelikulang G! LU (Go! La Union) na nakatakdang ipalabas sa Hunyo at sa teleserye ng GMA-7 na Love You Two na mapapanood na sa ere simula April 22.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michelle Dee on mom Melanie Marquez's relationship with her dad Derek Dee: "Well, their relationship was a lot better than her other ex-husbands. They’re good friends."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results