Gwen Zamora, David Semerad semi-nude photo criticized by netizens

by Jojo Gabinete
Apr 19, 2019
PHOTO/S: @gwenzamora Instagram

Nagbigay ng hint ang aktres na si Gwen Zamora, 28, na hahantong sa kasalan ang relasyon nila ng basketball player na si David Semerad, 27.

Kaugnay ito ng comment ng isang netizen na hindi nagustuhan ang semi-naked photo ng couple, na ipinost ni Gwen sa kanyang Instagram account, ngayong Biyernes Santo, April 19.

Continue reading below ↓

Dito ay makikitang nakaharap sila sa salamin ng isang bathroom at parehong nakatapis lamang ng tuwalya.

Medyo mapangahas ang photo dahil tanging private part lamang ni David ang tinakpan niya ng tuwalya.

Komento ng isang netizen, "Grabee parang di dapat i-post ang mga ganyan dahil hindi pa naman kayo mag-asawa… sorry my opinion only.."

Sagot ni Gwen na may kalakip na smirk emoji: "Soon soon..."

Continue reading below ↓

Hati ang reaksyon sa litrato nila ni David na inilabas ni Gwen sa Instagram, dahil kung may mga bumabatikos ay may mga nagtatanggol din sa aktres.

Binatikos ang larawan nina David at Gwen dahil sa paratang na hindi nila iginalang ang araw ng paggunita sa pagkamatay ni Hesus Kristo.

Continue reading below ↓

DATING HISTORY

Last quarter ng 2018 nang kumpirmahin ni Gwen ang relasyon nila ni David

Ikinagulat ito ng marami dahil noong October 2015, kinumpirma niya at ng kanyang former fiancée na si Jeremy Marquez na magpapakasal sila noong December 2016 sa isang simbahan sa Bohol.

Si David ay na-engaged din noong 2013 sa girlfriend niyang si Miss World 2011 First Princess Gwendoline Ruais.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gwendolyn noong September 2017 ay engaged pa rin ito kay David.

Hanggang sa naibalita na lang na magkarelasyon na sina Gwen at David—na nagsilbing kumpirmasyon na rin na hiwalay na ang mga ito sa kani-kanilang karelasyon noon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
David Semerad, Gwen Zamora
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @gwenzamora Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results