John Lloyd Cruz enjoys nature adventure in Bukidnon

by Arniel C. Serato
Apr 23, 2019
John Lloyd Cruz, still unshaven, enjoys the company of his non-showbiz friends from Mindanao.
PHOTO/S: Courtesy: Pinoy 1 Million Views on Facebook

Tuloy pa rin sa kanyang Mindanao "provincial tour" ang semi-retired actor na si John Lloyd Cruz.

Matapos niyang libutin ang Lanao del Sur at Cagayan de Oro, sumunod na pinuntahan ni John Lloyd ang Dahilayan Adventure Park sa Dahilayan, Bukidnon, nitong Lunes, April 22.

Kilala ang nasabing park sa pagkakaroon ng Longest Dual Zipline sa Asia at sa magandang kapaligiran nito.

Sa mga larawang na-upload sa Facebook, kapansin-pansing hindi pa rin nagpapagupit at nag-aahit ang dating blockbuster actor.

Continue reading below ↓

Mukhang enjoy na enjoy naman si John Lloyd sa pamamasyal sa adventure park kasama ang kanyang non-showbiz friends.

Isa sa kasama ng aktor ay ang dating Vice-Mayor ng Wao, Lanao del Sur, na si Jeremy Guiab (right).

Kasama rin ni John Lloyd si Guiab sa Cagayan de Oro noong Sabado de Gloria, April 20.

Continue reading below ↓

Ang dating bise alkalde rin ang sinadya ni John Lloyd sa Lanao del Sur noong April 17, Miyerkules.

Hindi kasama ni John Lloyd ang kanyang partner na si Ellen Adarna at ang mag-iisang taong gulang nilang anak na si Elias Modesto.

Naka-leave pa rin ang aktor sa showbiz, ngunit lumantad siya upang mag-endorso ng isang produkto.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz, still unshaven, enjoys the company of his non-showbiz friends from Mindanao.
PHOTO/S: Courtesy: Pinoy 1 Million Views on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results