Tony Labrusca moves on from past issues, ignores bashers

by Melba R. Llanera
Apr 29, 2019
Tony Labrusca admits learning a lot from his past mistakes and issues, and remains thankful to his fans for their unwavering support.
PHOTO/S: Arniel Serato

Aminado si Tony Labrusca na sa mga isyung pinagdaanan niya ay nakaramdam siya ng takot na baka hindi na siya makabalik pa sa showbiz.

Nasimulan ito ng isyu tungkol sa reklamo ng isang Bureau of Immigration officer na binastos at sinigawan diumano siya ng Kapamilya actor, dahil 30 days lang ang ibinigay rito para makapagtrabaho sa bansa.

Depensa ng mga taga-Bureau of Immigration, hindi maaaring i-extend ang 30-day period na ibinigay kay Tony dahil wala siyang Philippine passport.

Sinundan pa ito ng posibilidad na maaaring hindi maisyuhan ng working permit ang aktor at maipa-deport kung hindi maayos ang problema.

Kalaunan ay naayos naman ang isu ni Tony, at ngayon nga ay kasama siya sa ABS-CBN primetime series na Sino Ang May Sala?: Mea Culpa at sa iWant movie na Ang Babae Sa Septic Tank 3 .

Saad ni Tony, “Natakot? I think it's normal for everyone to feel like that.

Continue reading below ↓

“In my career, I always thought of stars lining up and my destiny.

“Kung para sa iyo, para sa iyo talaga yun.

“I'm a firm believer of 'what's yours will be yours.'

“As a human being, we can all admit that we commit mistakes and we all go through... we always experience life in our own way.

“What's yours, no one will be able to take that away from you.

“I just took life one day at a time and I talked to God and said, 'Lord kayo na ang bahala. What is meant for me will always be mine.' That's it."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Tony sa presscon ng Sino Ang May Sala?: Mea Culpa, na ginanap sa Dolphy Theater noong April 22.

PAST ISSUE WITH ALEX

Isa rin sa isyung ipinukol sa Kapamilya actor ay ang pag-uugnay sa kanila ng kaibigan at kapwa Kapamilya actor na si Alex Diaz.

Continue reading below ↓

Siniguro ni Tony na hindi ito nakaapekto sa pagkakaibigan nila ni Alex.

“No, hindi naman.

"Pero, of course, we also have to take precautions because it's a big issue, pero hindi naman.”

Hindi rin daw siya naapektuhan ng bashers.

Diin niya, “No, not really.

“Again, when it comes to the bashers, I really try not to pay attention to them because no matter what anybody says, if you read negative comments about you, you will get hurt.

“It's true, as human beings, it's totally fine to admit that.

“What I did was I prayed a lot, I try to be with my family.

“I told myself, 'You know what, you can always turn something negative to positive.'

“That's what I try to do."

THANKFUL TO FANS

Nagpasalamat si Tony sa fans na hindi bumitiw at patuloy na sumuporta sa kanya.

Aniya, “I want to say to all the fans who supported me throughout my entire year, thank you.

Continue reading below ↓

“Of course, I am very happy, very thankful that I am working with awesome people and I hope that my fans will support me.

“Thank you for believing in me, thank you for treating me like another human being.

"Ginagawa ko ito para sa inyo, para makabawi din sa inyo."

Binalewala naman ng Kapamilya actor ang mga nam-bash sa kanya.

“Bashers? I try not to waste my time on them.

“People will bash me no matter what, what can I do?

“So might as well keep moving on with my life.”

Ayon din kay Tony, marami siyang natutunan sa mga nangyari.

“A lot. I learned about humanity, I learned what humans can do to each other.

“I also learned a lot about this industry.

“This is what I signed up for so I can't complain now.

“It's just lit a fire under my ass if I'm able to say that.

"So, right now, I really want to work, I really want to do it for my family," saad niya.

Continue reading below ↓

WORKING WITH HIS IDOLS

Gaganap si Tony bilang Atty. Andrei Montelibano sa Sino Ang May Sala?: Mea Culpa.

Excited at masaya siya sa nasabing serye dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong magbibida siya.

Saad niya, “Yeah, I'm really excited, nervous.

“Siguro lahat ng ito normal din kasi it's gonna be my first time as bida sa primetime.

“Yeah, after Glorious, nag-start na kaming mag-taping din, mag-work since November.

“Nakita niyong lahat ang hard work namin.

Inaabangan din ni Tony ang paglabas ng Ang Babae Sa Septic Tank 3 na mapapanood sa iWant TV.

“Actually, tapos na kami, we are just waiting to be shown in iWant.

“Grabe, sabi ko kay Ate Uge, [Eugene Domingo] nung bata ako, pinapanood ko siya, and sobrang crazy na ngayon nakakasama ko siya sa project.

“It's so wild, I'm thinking about all these people I look up to.

“As a kid watching them, thinking about how now, I've gone through so much and now my dreams are still happening.

Continue reading below ↓

“Ang galing talaga ng Lord, may awa talaga ang Diyos.”

READY FOR MORE DARING SCENES?

Pinag-usapan ang pagpapa-sexy na ginawa ni Tony sa Glorious.

Marami ang nagtatanong kung kaya kaya niyang gumawa ng mas sexy na mga eksena sa susunod na mga proyekto.

“I don't know how far, but I really believe in the artistry, I really believe in the process of falling in love with the character and the story.

“If I fall in love with the story and it's really such a great character, there's a purpose of what we are doing in the movie.

“Halimbawa, there's skin exposure.

“If it's done with taste and if it's needed in the movie, why not?

“Huwag naman yung basta-basta naghuhubad."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tony Labrusca admits learning a lot from his past mistakes and issues, and remains thankful to his fans for their unwavering support.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results