Jayda Avanzado opens up about receiving death threats

by Bernie V. Franco
Apr 30, 2019
Young singer Jayda Avanzado, daughter of Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza, admits that she feared for her life when she received death threats.
PHOTO/S: @jayda on Instagram

Binalikan ni Jayda Avanzado, ang 15-anyos na anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, nung panahong nakatatanggap siya ng death threats.

Partikular na ang tweet ng isang fan ni Darren Espanto na “kill that girl,” na ang tinutukoy ay si Jayda, noong Marso.

Kilalang malapit na kaibigan ni Jayda si Darren.

Inakusahan din ng fan si Jayda na ginagaya umano ang former Pinoy Big Brother teen housemate na si Ylona Garcia.

“It was really crossing a line, I feel, kasi hindi na po ito a matter of opinion.

"This is about life and death. This is about this is about my safety," pahayag ni Jayda sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda, nitong Lunes, April 29.

Ini-report daw nila ito sa pulis.

“Siyempre, initially po, my first thought was I was concerned about my safety,” sabi ng young singer.

Noon kasagsagan ng isyu ay nag-post si Jessa sa social media tungkol sa banta sa kanyang anak.

Continue reading below ↓

Nakiusap din si Darren sa kanyang mga tagahanga na itigil ang pagbabanta kay Jayda.

REAL SCORE WITH DARREN

Samantala, dahil sa pagiging malapit nila, iniuugnay sina Darren at Jayda.

Pero paglilinaw ni Jayda, magkaibigan lamang sila.

“I guess, I can speak for the both of us in that sense, that hindi po masyado naming priority ngayon [ang love life].

“Yung careers po namin ay number one. We’re just there, like, [to] support each other.”

Tanggap naman ni Jayda ang pagkukumpara sa kanya sa ibang singers.

“Hindi naman po sa napipikon. I feel, like, it’s normal na for people to make comparisons.

“Rivalry is a part of show business.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young singer Jayda Avanzado, daughter of Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza, admits that she feared for her life when she received death threats.
PHOTO/S: @jayda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results