Chienna Filomeno TWBA interview reignites feud with Dawn Chang

by Melba R. Llanera
May 3, 2019
Chienna Filomeno (right) on Dawn Chang's (left) reaction to her interview on Tonight With Boy Abunda: "To be honest, she didn't take it na positively."
PHOTO/S: @thedawnchang and @chiefilomeno on Instagram

Muling nanumbalik ang alitan sa pagitan ng GirlTrends members na sina Chienna Filomeno at Dawn Chang.

Ito ay pagkatapos isiwalat ni Chienna sa kanyang panayam sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) noong April 4 ang nangyaring gusot sa kanila noon ng mga kamiyembrong sina Dawn at Erin Ocampo.

Ang GirlTrends ay ang all-female group na napapanood sa ABS-CBN noontime program na It's Showtime.

Sa interview niya sa TWBA, sinabi ni Chienna na kinumpronta niya noon sina Dawn at Erin dahil sa mga sinasabi raw ng mga ito kapag wala siya.

Ayon kay Chienna, kinausap niya si Dawn pagkatapos niyang magpa-interview kay Boy Abunda.

Lahad niya, “As soon as natapos yung taping the next day, kinausap ko si Dawn about it.

“To be honest, she didn't take it na positively.

“Kasi sa part ko, I'm okay, we're okay, everyone's okay.

“Pero siya, nagalit siya nung time na yun.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa rito ang masasakit na salitang iniwan ng bashers kay Dawn sa Instagram, gaya ng “plastic” at “inggitera.”

Reaksiyon dito ni Chienna, "Well, lahat kasi ng sinabi ko, nandun na sa interview, e.

“Hindi lang siguro alam ng mga tao kung ano yung pinag-awayan namin and kung saan nag-ugat ang lahat.”

Sa mga kumampi naman kay Dawn, pinaratangan nila si Chienna na “manggagamit” at “gimikera.”

Depensa ni Chienna sa sarili, "Well, ako kasi, sinabi ko lang kung ano ang nasa puso ko, kung ano ang feeling ko na tama that time.

“Feel ko, hindi lang ako yung taong na-victimize.

“Feel ko, I need to stand up not just for myself but for everybody.

"Ako naman, I stand by everything that I said. Alam ko kung ano ang totoo."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Chienna sa Belo Thermage FLX launch, na ginanap sa Shangri-La The Fort, noong April 24.

Continue reading below ↓

IT'S ALL IN IN THE PAST

lang taon na raw ang nakalilipas at naayos na ang anumang gusot nila, kaya maluwag na raw kay Chienna na pag-usapan ito ngayon.

"Yes, matagal nang naayos yun, like, two years ago I was comfortable saying about it kasi alam kong wala nang rift between us.

“I was comfortable telling it to everyone, to Tito Boy, kasi wala na namang rift."

Nilinaw rin ni Chienna na hindi naman siya binully nina Dawn at Erin, kundi nakatanggap lang siya ng masasakit na mga salita mula sa mga ito.

Paano niya tinanggap ang mga masasakit na salitang narinig niya?

Ayon kay Chienna, "Kinakaya ko siya, kasi dati, alam ko ang mga sinasabi nila sa akin, yung mga sinasabi nilang pamba-backstab.

“Inaano ko na lang siya na kailangan kong magtrabaho, kailangan kong magtrabaho for my family.

“Professionalism, yun lang, okay, civil tayo, we're group, trabaho."

Pagsisiwalat pa ni Chienna, pinag-usap sila ng It’s Showtime management kaya naplantsa ang hindi nila pagkakaintindihan ng mga kasama sa GirlTrends.

Continue reading below ↓

"Pinag-meeting kami ng management 'tapos nag-usap kami na kami-kami lang.

"Work is work din, kasi kung ile-let namin na kainin kami ng mga nangyayarii sa paligid namin, baka wala kaming kitaing pera. Kailangan namin yun.

"Well, siyempre mahirap, pero hindi ito yung first time na naranasan namin ito.

“So, parang we know yung pasikut-sikot.”

Sabi pa ni Chienna, ikinalungkot niya ang nangyayaring kumpetisyon sa kanilang magkakagrupo.

"Siyempre, like us, kami, we have to help each other, not beat each other.

“Parang sad lang kasi sa circle namin nangyayari yun.

“Sa side ko, walang kahit na anong sakit o kahit na ano.

"Magka-clash at magka-clash talaga yun.

“Pero sabi ko nga sa interview, kahit sa family nagkakaroon ng rift, ng away, pero at the end of the day, iisa kaming pamilya.”

Namagitan ba uli ang management sa kanila ni Dawn pagkatapos niyang magpa-interview sa Tonight With Boy Abunda?

Continue reading below ↓

Ayon kay Chienna, "Wala na namang nangyaring gulo, like, after the interview.

“Kasi yung interview, it’s like a matter of explaining my side, explaining everything that happened.

“Tinanong ako ni Tito Boy, plan ko sana if ever maungkat yun, sasabihin ko yung story pero hindi ako magpapangalan.

“E, si Tito Boy yung nag-name. Hindi ko naman puwedeng sabihing hindi, ayokong magsinungaling."

Bukas daw si Chienna na magkaayos silang muli ni Dawn.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chienna Filomeno (right) on Dawn Chang's (left) reaction to her interview on Tonight With Boy Abunda: "To be honest, she didn't take it na positively."
PHOTO/S: @thedawnchang and @chiefilomeno on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results