Super Tekla vows not to repeat past mistake

by Arniel C. Serato
May 3, 2019
Super Tekla promises to work doubly hard to maintain high ratings of The Boobay And Tekla Show.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi na hahayaan ni Super Tekla na muling masadlak sa kahirapan kaya tinanggal na raw niya sa kanyang sistema ang mga dating bisyo.

Lahat ba talaga?

Tugon ng Kapuso comedian, “A, ayoko. Sinasabi ko nga parati sa mga viewers ko, ayaw ko maging ipokrito, e, di ba?

“Lahat naman tayo may kanya-kanyang kagaguhan, as long as yung work mo, huwag mong pabayaan.

“Bakit? Yun yung ano, e, doon ka nabubuhay.

“Aminin, lahat tayo may kanya-kanyang kagaguhan, di ba?

"My other side tayo na hindi natin puwede i-apply or maapektuhan yung work because of that.

“Yun lang! Dapat kapag ako, kapag normal na buhay ko, normal.

Bakit? Karapatan ko yun, di ba?

"Ganun ako, pagka-work, work.”

Noong 2017, tinanggal ni Willie Revillame si Super Tekla sa Wowowin dahil lagi raw itong late, pumapasok nang hindi pa naliligo, at malakas daw magsugal sa casino.

Dahil dun, nawalan ng kabuhayan si Super Tekla at ilang buwan din bago nakabangon muli.

Continue reading below ↓

Kaya ngayon, iniiwasan daw niyang madiskaril muli ang magandang takbo ng kanyang karera sa GMA Network.

Saad ni Super Tekla, “Ay, hindi! Kasi, kumbaga, nakakapagod na balikan, yun, e.

"Dapat, parang ano mo lang yun sa sarili mo, e.

"Hindi ka kumportable, babalikan mo pa ba yun?

"Yun ang ano ko, kumbaga, nandiyan ka na, ano pang hinahanap mo? Anong mahihita mo dun?

"Kung babalik ako, nandun ka pa rin, hindi ka magsa-succeed, di ba?

"Bakit? Hihilahin ka at hihilahin.

"Yun lang yun, as long as nasa ano ka, dadalhin ka 'tapos hanggang sa gusto ka pa ng tao, go!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Super Tekla sa set visit ng pelikulang pinagbibidahan niya, ang Kiko en Lala.

Ito ay produced ng Backyard Production under GMA Pictures mula sa direksiyon ni Adol Alix Jr.

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa May 22.

Continue reading below ↓

TBATS VS. GGV

Masayang-masaya naman si Super Tekla dahil, sa kauna-unahang pagkakataon, natalo ng palabas nila ni Boobay sa GMA-7, ang The Boobay And Tekla Show (TBATS), ang katapat nitong Gandang Gabi Vice (GGV) ni Vice Ganda sa ABS-CBN.

Sa episode nila nung April 21, natalo ng TBATS ang GGV sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, na identified sa Kapamilya network.

Naka-8.2% ang Gandang Gabi Vice, kontra sa 9.2% ng The Boobay And Tekla Show.

Sabi ni Super Tekla, “Ah, yes. Totoo, like our show, sobrang kahit anong pagod ko, I give effort, time, binubusisi ko lahat para mahusay.

“Lahat ng husay talagang pulido.

"Kaya good thing na on a late-night show, nagri-rate ang show namin ni Boobay.

“Last Sunday nga, halos umabot kami ng 7.6% [AGB Ratings].”

Habang sinabi ito si Super Tekla, natatawa siya.

Pinagtatawanan ba niya ang pagkatalo ng kalaban?

Paglilinaw niya, “Hindi! What I mean, parang ganun lang, e, nag-i-effort ka, 'tapos nagbunga.

Continue reading below ↓

"Kasi ang tao, kapag naaliw ang tao, pagkahagip niya, 'Ay, lipat ako,' mag-i-istay talaga yun."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla promises to work doubly hard to maintain high ratings of The Boobay And Tekla Show.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results