Vice Ganda meets sister of rumored boyfriend Ion Perez in Hollywood

by Arniel C. Serato
May 3, 2019
Vice Ganda poses for a groupie with rumored boyfriend Ion Perez, Ion's sister Natalia Perez and brother-in-law Frank Chen in Hollywood.
PHOTO/S: Courtesy: Natalia Perez on Facebook

Naipakilala na kay Vice Ganda ng rumored boyfriend niyang si Ion “Kuya Escort” Perez ang kapatid nitong babae.

Naganap ang pagkikita nila sa Hollywood, California, ngayong araw, May 3 (Manila time).

Mismong ang kapatid ni Ion na si Natalia Perez-Chen ang nag-post ng mga larawan sa Facebook, kung saan kasama niya sina Vice, Ion, at ang mister na si Frank Chen.

Mensahe ni Natalia sa caption: “Summer is Lab lab [heart, smiley emojis].”

Labinlimang magkakapatid sina Ion at Natalia.

Continue reading below ↓

Sa Instagram, nagkalat naman ang masasayang sightings nina Vice, Ion, Jackie “Ate Girl” Gonzaga, at ilan pang kaibigan.

Continue reading below ↓

Kasalukuyang nasa Amerika si Vice para sa two-night concert niya na may pamagat na Ang Fantastic Concert ng Vaklang Twoooh, na gaganapin sa Chumash Casino Resort (May 3) at Pechanga Resort Casino (May 5).

Hindi malinaw kung kasama sa magpi-perform sa mga concert ni Vice si Ion.

Matagal na ang usap-usapang may relasyon sina Vice at si Ion na nabuo sa set ng It’s Showtime, pero wala pa silang direktang pag-amin tungkol dito.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda poses for a groupie with rumored boyfriend Ion Perez, Ion's sister Natalia Perez and brother-in-law Frank Chen in Hollywood.
PHOTO/S: Courtesy: Natalia Perez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results