Vice Ganda prepares self to become a "housewife"

by Arniel C. Serato
May 7, 2019
Vice Ganda: "Si Ion kasi Cabalen, kaya natuwa sa kabayo."
PHOTO/S: Courtesy: @viceganda_updates on Instagram

Patuloy pa rin ang pagpapakilig sa sangkabaklaan ng napapabalitang magkarelasyon na sina Vice Ganda at Ion “Kuya Escort” Perez.

Sa mga oras na ito, pabalik na mula sa Amerika ang grupo ni Vice matapos ang matagumpay na two-night concert niya roon kasama si Ion.

Kahapon, May 6, may netizen na nag-post sa Instagram ng isang maiksing clip mula sa concert ni Vice.

Sabi ni Vice sa video: “Gusto ko na kasing matuto na rin na magluto.

“Dahil alam niyo naman, siyempre pag nagiging housewife na, you have to learn how to be a homemaker."

Maririnig sa mga kinikilig na audience ang pangalan ni Ion.

Pagpapatuloy ng Kapamilya star, "You have to prepare breakfast once in a while.

“Ang sarap lang na paggising niya, meron ka nang handa para sa kanya.

“'Tapos pagdating niya galing sa trabaho, pagod siya, kasi nag-jeep siya, may gumawa pa rin ng food para sa kanya.”

Continue reading below ↓

Sa isa pang video, sinabi naman ni Vice: “Si Ion kasi Cabalen [Tarlac], kaya natuwa sa kabayo."

Running joke na ni Vice ang pagsasabi sa sarili na mukha siyang kabayo.

Continue reading below ↓

Noong isang araw naman, sinabi ni Ion na mahal niya ang It’s Showtime host.

Naipakilala na rin niya ito sa kanyang kapatid sa Amerika.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda: "Si Ion kasi Cabalen, kaya natuwa sa kabayo."
PHOTO/S: Courtesy: @viceganda_updates on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results