Sammie Rimando happy for ex-boyfriend Arjo Atayde

by Arniel C. Serato
May 14, 2019
Sammie Rimando not in a hurry to have a new boyfriend: “Wala po. Focus po talaga ako ngayon sa work. Happy po ako sa work ko ngayon.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Naka-move on na raw si Sammie Rimando sa hiwalayan nila ng dating nobyo na si Arjo Atayde.

Nagkaroon na rin daw sila ng closure sa kanilang hiwalayan.

Napatawad na ba niya ang dating boyfriend?

Paglilinaw ni Sammie, 21, “Wala naman dapat ipagpatawad kasi okay naman po kami.”

Naghiwalay naman daw sila nang maayos.

Halos isang taon ang relasyon nina Sammie at Arjo.

Noong November 2018 sila naghiwalay.

Pagdating ng January 2019, inamin ni Arjo na exclusively dating na sila ng Kapuso star na si Maine Mendoza.

Masaya naman daw si Sammie para sa ex-boyfriend.

Aniya, “Happy ako ngayon, kung ano mang meron siya ngayon, work po...

"And yun po, basta happy ako sa nangyayari sa kanya ngayon."

Single daw si Sammie ngayon at wala rin daw manliligaw.

“Wala po. Focus po talaga ako ngayon sa work.

“Happy po ako sa work ko ngayon.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sammie sa launch ng bagong single na "Breakthrough" ng all-female group na kinabibilangan niya, ang GirlTrends, na regular na napapanood sa It's Showtime.

Continue reading below ↓

Sa ginanap na presscon noong Biyernes, May 10, inilunsad din ang sexy music video ng kanilang single na kinunan sa Pangasinan.

REINVENTED GT

Simula ngayon, tatawagin na ang grupo nilang GirlTrends na GT, kung saan mula sa lagpas 20 ay pito na lamang ang natitirang miyembro nila.

Kasama ni Sammie sa GT sina Mica Javier, Krissha Viaje, Chie Filomeno, Mikee Agustin, Joana Hipolito, at Dawn Chang.

Continue reading below ↓

Ikinalulungkot naman ni Sammie na marami ang nabawas sa GT.

Sabi niya, “Una po, nakakalungkot din po, kasi siyempre may nabuo na sa aming mga friendship, naging close na po talaga kami.

"Pero yun nga po, kailangan naming tanggapin.

“Masasabi ko po na ngayon pong nabawasan kami, nakapag-focus po kami sa isa’t isa po.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sammie Rimando not in a hurry to have a new boyfriend: “Wala po. Focus po talaga ako ngayon sa work. Happy po ako sa work ko ngayon.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results