Celebrity politicians who won and lost in Philippine elections 2019

by Arniel C. Serato
May 15, 2019
(L-R) Bong Revilla, Lito Lapid, Lucy Torres-Gomez, Vilma Santos, Isko Moreno, and Vico Sotto are some of the celebrities who won this 2019 elections.

Sinu-sinong celebrity politicians ang nanalo ngayong Philippine elections 2019?

Dalawang araw matapos ang 2019 mid-term elections na ginanap noong Lunes, May 13, karamihan sa local candidates na nanalo ay naiproklama na ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa senatorial race, patuloy pa rin ang official counting of votes ng COMELEC bilang National Board of Canvassers.

Pero ayon sa partial at unofficial results, mukhang sigurado na kung sino ang mga pasok sa Magic 12.

Sa nangyaring eleksyon ngayong taon, partikular na sa local level, masasabing “woke” na ang karamihan ng mga botante dahil tila hindi na factor sa kanila kung sikat o hindi ang kandidato.

Tila mas pinagtutuunan na ng pansin ng mga botante ang track record at kuwalipikasyon ng tumatakbo.

Ito ang dahilan kung kaya't hindi lahat ng tumakbong artista at singer, o inendorso ng sikat na celebrity o may kamag-anak na celebrity, ay nanalo sa mga puwestong kanilang tinakbuhan.

Marami rin sa kanila ang nabigo.

Continue reading below ↓

Ayon nga sa ilang observers, hindi na basehan sa mga botante ngayon ang kasikatan o ang pagiging artista ng isang kandidato.

Mas importante ang plano at plataporma para sa constituents nila.

Narito ang listahan ng celebrity politicians na nanalo at natalo ngayong 2019 elections:

FOR SENATOR

Sigurado na ang re-election ni GRACE POE, anak ni Susan Roces at ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

Kasalukuyang pumapangalawa sa senatorial race si Grace, na mayroon nang 21,598,821 votes base sa partial and unofficial tally ngayong araw, May 15.

Ang nangungunang si CYNTHIA VILLAR ay mayroong 24,764,666 votes.

Malinaw namang makakabalik na sa kanyang dating puwesto sa Senado ang aktor na si LITO LAPID.

Kasalukuyan siyang nasa pampitong puwesto dahil sa kanyang 16,610,823 boto.

Nanilbihan ng dalawang termino sa senado si Lito mula 2004 hanggang 2016.

Nabahiran man ng kurapsiyon ang kanyang pangalan, tila sigurado na rin ang pagbabalik sa Senado ni BONG REVILLA.

Continue reading below ↓

Base sa partial at unofficial tally, nasa ika-10 puwesto si Bong na mayroong 14,287,517 votes.

Naging senador si Bong ng dalawang termino mula 2004 hanggang 2016.

Sa kabilang banda, hindi pa siguradong makakabalik sa Senado ang magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada.

Ayon sa latest partial and unofficial tally, nasa pang-13 puwesto si JV na may botong 13,995,867, habang nasa ika-15 puwesto si Jinggoy na may botong 11,117,793

Si Jinggoy ay kasama ni Bong na inakusahan ng plunder o pandarambong sa kaban ng bayan.

Nag-concede naman na ang dating GMA-7 news anchor na si Jiggy Manicad, na nasa pang-20 puwesto.

Nabigo rin ang legendary singer na si Freddie Aguilar sa kanyang senatorial bid.

FOR HOUSE OF REPRESENTATIVES

Naiproklama na ang Star For All Seasons na si VILMA SANTOS-RECTO bilang representative ng Lipa City, Batangas. Nakakuha siya ng 92,668 votes.

Ito na ang pangalawang termino ni Vilma bilang mambabatas.

Sigurado na ring makakabalik sa kanyang opisina sa Kongreso si Leyte Fourth District Representative LUCY TORRES-GOMEZ.

Continue reading below ↓

Halos landslide ang pagkapanalo niya sa kanyang distrito sa Leyte.

Panalo naman sa kanyang ikatlong termino sa Fifth District ng Quezon City ang aktor na si ALFRED VARGAS.

Unopposed sa First District ng Laguna si DAN FERNANDEZ. Ito na ang kanyang pangalawang termino bilang kongresista.

Landslide din ang pagkapanalo ni PAOLO "PULONG DUTERTE" sa pagka-kongresista sa First District ng Davao City.

Si Pulong ang panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matagumpay rin ang dating actress-newscaster na si PRECIOUS HIPOLITO-CASTELO sa kanyang pagtakbo bilang kongresista sa Second District ng Quezon City.

Ito ang unang termino ng dating miyembro ng defunct show na That’s Entertainment.

Hindi rin binigo ng taga-Third District ng Maynila si YUL SERVO. Ito na ang kanyang pangalawang termino.

Landslide din ang pagkapanalo ni CAMILLE VILLAR—anak ng dating senador na si Manny Villar at ni Senator Cynthia Villar—sa kanyang pagtakbo sa Las Piñas.

Ito ang kauna-unahang pagsabak ni Camille sa pulitika.

Continue reading below ↓

Pinakain naman ng alikabok ng dating ABS-CBN reporter na si SOL ARAGONES ang kanyang mga katunggali sa Third District ng Laguna.

Ito na ang ikatlong termino ni Sol bilang mambabatas.

Pinalad ding manalo sa Antique bilang kongresista si SENATOR LOREN LEGARDA. Last term na niya sa senado.

Hindi naman pinalad sa kanilang hangaring maging kongresista ang aktor na si Edu Manzano (San Juan City), Long Mejia (First District ng Camarines Sur), Rommel Padilla (First District ng Nueva Ecija), Richard Yap (First District ng Cebu City), Yeng Guaio (First District ng Pampanga), at former Vice President Jejomar Binay (First District ng Makati).

STORIES WE ARE TRACKING

FOR GOVERNOR

Wagi naman ang mister ni Heart Evangelista na si Senator FRANCIS "CHIZ" ESCUDERO bilang gobernador ng lalawigan ng Sorsogon.

Panalo rin ang third-termer na si Bulacan Vice Governor DANIEL FERNANDO sa pagka-gobernador ng kanilang lalawigan.

Hindi naman pinalad si ER Ejercito na maipanalo ang kanyang pangalawang pagtakbo bilang gobernador ng Laguna.

Continue reading below ↓

FOR VICE GOVERNOR

Unopposed si JOLO REVILLA sa Cavite kaya “walk in the park” na lamang ang kanyang pagkapanalo para sa kanyang ikatlong termino bilang bise gobernador.

Matagumpay rin ang singer na si IMELDA PAPIN sa kanyang pagtakbo bilang bise gobernador ng Camarines Sur.

Dati na siyang nanilbihan bilang vice governor ng CamSur taong 1998 hanggang 2004.

Bittersweet naman ang pagkapanalo ng nobyo ni Aiko Melendez na si JAY KHONGHUN sa pagka-bise gobernador ng Zambales dahil sa labis na paninira ng kalaban.

Naiproklama na si Jay kahapon, May 14.

FOR MAYOR

Nagbunyi ang karamihan ng mga taga-Maynila sa pagkapanalo ni ISKO MORENO bilang bagong alkalde ng kanilang lungsod.

Tinapos ni Isko ang anim na taong panunungkulan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa Maynila.

Tinapos din ni VICO SOTTO, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, ang halos tatlong dekadang pamamahala ng mga Eusebio sa Pasig City.

Naiproklama na si Vico kahapon, May 14, kung saan ipinagbunyi ng millennials ang kanyang pagkapanalo.

Continue reading below ↓

Tinuldukan naman ni FRANCIS ZAMORA ang halos limang dekadang pamumuno ng pamilya Estrada sa San Juan City.

Nagwagi rin sa kanyang pangalawang termino bilang mayor ng Ormoc City si RICHARD GOMEZ.

Wagi rin ang lahat ng kanyang mga kasamang konsehal sa kanyang partido.

Naiproklama na rin si LANI MERCADO para sa kanyang pangalawang termino sa pagka-alkalde ng Bacoor, Cavite.

Unopposed sa Antipolo, Rizal ang sister-in-law ni Lani at dating child actress na si ANDREA BAUTISTA-YNARES.

Sinuwerte naman ang dating aktres na si INA ALEGRE (Jennifer Cruz) dahil nagwagi siya bilang alkalde sa Pola, Oriental Mindoro.

Ang dating PBA player na si VERGEL MENESES ay nahalal naman bilang bagong mayor ng Bulakan, Bulacan.

Hindi naman pinalad na manalo sa pagka-alkalde ang ama nina Toni at Alex Gonzaga na si Bonoy Gonzaga sa Taytay, Rizal.

Talo rin sa pagka-alkalde sa Quezon City si Chuck Mathay, ang ama ng aktres na si Ara Mina.

Continue reading below ↓

Gayundin si Mark Lapid sa pagka-alkalde ng Porac, Pampanga.

FOR VICE MAYOR

Panalo sa kanyang unang pagtatangka sa posisyong vice mayor ng Quezon City si GIAN SOTTO, anak nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Landslide namang masasabi ang pagkapanalo ni SEBASTIAN "BASTE" DUTERTE sa pagka-vice mayor ng Davao City.

Unopposed ang anak ni Pangulong Duterte sa nasabing posisyon.

Hindi naman pinalad sa kanilang kandidatura sa pagka-vice mayor sina Gary Estrada sa Cainta, Rizal; Roderick Paulate sa Quezon City; Andrea del Rosario sa Calatagan, Batangas; Jeremy Marquez sa Parañaque; at Monsour del Rosario sa Makati City.

FOR BOARD MEMBER

Nagtagumpay na sa wakas ang aktor na si JESTONI ALARCON sa kanyang kandidatura bilang board member ng First District ng Rizal Province.

Si Jestoni ang nahalal na Number 1 board member.

Number 1 din si ANGELICA JONES-ALARVA sa pagka-board member sa Third District ng Laguna.

Naka-tatlong termino na noon si Angelica bilang board member, mula 2010 hanggang 2016.

Continue reading below ↓

Noong 2016 elections ay nagpahinga siya sa pulitika, at ngayong 2019 elections ay tumakbong muli at nanalo.

Nakuha naman ni ALEX CASTRO ang kanyang second term as board member ng Fourth District ng Bulacan.

FOR COUNCILOR

Sa mga konsehal, nagwagi sina JHONG HILARIO (Makati), HERO BAUTISTA (Quezon City), JC PARKER (Angeles City), at CHAREE PINEDA (Valenzuela City).

Wagi rin sina JOMARI YLLANA, WAHOO SOTTO, RYAN YLLANA, at VANDOLPH QUIZON sa Parañaque.

Number 2 sa mga elected councilors sa Lipa City ang boyfriend ni Alex Gonzaga na si MIKEE MORADA.

Nanalo rin sa pagka-konsehal ang PBA players na sina ATO AGUSTIN (San Fernando, Pampanga), DONDON HONTIVEROS (Cebu City), YOYONG MARTIREZ (Pasig), PAUL ARTADI (San Juan), FRANZ PUMAREN (Quezon City), at MARK MACAPAGAL (Pampanga).

Hindi naman pinalad sina Sheryl Cruz at Jerika Ejercito sa Maynila; Rochelle Barrameda at Dominic Ochoa sa Parañaque; Jan Marini sa Quezon City; Dagul o Romeo Pastrana sa Rodriguez, Rizal; at Kiko Rustia sa Pasig City.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Bong Revilla, Lito Lapid, Lucy Torres-Gomez, Vilma Santos, Isko Moreno, and Vico Sotto are some of the celebrities who won this 2019 elections.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results