Sanya Lopez opens up about past romance with Gab Lagman

by Jojo Gabinete
May 16, 2019
Sanya Lopez explains why her relationship with Gab Lagman did not work out: "Siguro, hindi pa siya handa. Siguro, mas ako yung hindi handa."
PHOTO/S: Noel Orsal / Gab Lagman Instagram

Na-rattle si Sanya Lopez nang makausap ng PEP.ph (PHilippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa presscon ng Dahil Sa Pag-Ibig sa 17th floor ng GMA Network, Inc. kagabi, May 15.

Hindi inaasahan ng Kapuso actress na magtatanong kami tungkol sa nangyari sa "friendship" nila ng Kapamilya actor na si Gab Lagman.

Contract star si Gab ng Viva Artist Agency at napanood sa Kapamilya primetime series na Halik.

Sa interview ng PEP.ph kay Gab noong July 2018, nagkuwento siya tungkol sa budding friendship nila ni Sanya at ang frequent jogging sessions nila.

SANYA LOPEZ ON HOT SEAT

Kagabi naman, "hot seat" at "pinagpapawisan ako" ang reaksiyon ni Sanya habang sinasagot nito ang nauwi sa walang magandang pagtitinginan nila ni Gab.

May mga "hugot" ang mga pahayag ni Sanya, na parang nabingi nang marinig niya ang pangalan ni Gab.

"Ano po? We’re friends. Okey naman po kami.

"Siguro mas naging sweet lang siya sa akin and hindi pa kasi ako nagpapaligaw," sabi ng aktres.

Continue reading below ↓

May communication pa ba sila?

Sabi ni Sanya, "Bakit naman kami magti-text-an lagi, e, hindi ko naman siya boyfriend?

"We’re still friends naman. Magkita man kami ngayon, okey lang din."

Nakailang beses ba silang tumakbo sa UP?

"Hindi ko po alam," ang tila na-corner na sagot ni Sanya.

"May mga bagay po kasi na parang kailangan mo rin i-sacrifice."

Dagdag niya, "Masaya po ako ngayon.

"Siguro, hindi pa siya handa. Siguro, mas ako yung hindi handa.

"Siguro kung mahal ka naman talaga ng tao, ipaglalaban ka niya at maiintindihan ka niya sa lahat ng mga ginagawa mo."

Hindi mo in-e-expect na mababanggit siya ngayon?

"Hindi ako ready. Ang hiraaaap…” sambit ni Sanya dahil sa sunod-sunod na tanong tungkol kay Gab.

"Pero mabait po siya, wala akong masasabi sa taong yun.

"Mabait talaga siya, nag-effort talaga siya sa akin.

"Ipinakita niya kung ano yung nararamdaman niya.

"Hindi ko po alam kung nahulog ba talaga siya pero importante, masaya ako.

Continue reading below ↓

"Hindi ko alam kung masaya siya ngayon."

GIFTS FOR EACH OTHER

May mga iniregalo ba si Gab sa kanya?

Tila nag-aalangang sagot ni Sanya, "Ahhhh... hindi ko po alam.

"Meron naman, may mga ibinigay siya sa akin, pero siyempre, mahirap mag-assume, di ba?”

May mga ibinigay ba siya kay Gab?

"Na-surprise ko lang naman siya, one time. Simple lang naman yun.

"Lahat naman yata ng may ano, nagbibigay rin… nagbibigay.

"Siguro mas better na siya yung mag-effort."

Gaano katagal ang closeness nila?

"Mga six or seven months," tugon ni Sanya.

"May mga bagay na dadating at dadating sa 'yo so, until now, may mga dumarating pero hindi po muna.

"Kung magkaroon man ako ng partner, soon or sa darating na panahon, mas iniisip ko na ibibigay ko lang basta kaya ko lang.

"Kapag hindi ko na kaya, mabilis akong bumitaw. Give up na ako, wala nang balikan."

Continue reading below ↓

RECOVERY PERIOD

Sa cell phone niya ba ay may mga litrato pa sila ni Gab na magkasama o binura na niya?

"Meron pa naman.”

Gaano katagal bago siya naka-recover?

Saad ni Sanya, "After we talked [sa cellphone], noong sinabi niya na parang mahirap sa part niya, kasi iba yung sitwasyon sa ngayon.

"Huh, ang hirap magsalita. May mga bagay lang na hindi pa niya naiintindihan sa ngayon."

Seloso ba si Gab?

"Ahh… hindi naman pero hindi niya kayang panoorin before yung Wild & Free.

"Hindi siya nanood. Hindi niya kaya."

Ang Wild & Free ay ang 2018 sexy movie ni Sanya katambal si Derrick Monasterio.

Ilang oras niya iniyakan ang phone call niya sa’yo?

Paglilinaw ni Sanya, "Hindi ako umiiyak sa guy. Sorry, hindi po ako umiiyak sa lalaki.

"Siguro, ang matatawag kong love, yung kaya na mag-sacrifice for me."

Nang sabihin ng isang reporter na sayang si Gab dahil guwapo ito, mabilis ang sagot ni Sanya:

Continue reading below ↓

"Okey lang, maraming cute guys diyan."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez explains why her relationship with Gab Lagman did not work out: "Siguro, hindi pa siya handa. Siguro, mas ako yung hindi handa."
PHOTO/S: Noel Orsal / Gab Lagman Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results