Sotto siblings give Vico the sweetest messages after his victory in Pasig

by Rachelle Siazon
May 16, 2019
Danica Sotto on brother Vico defeating a Pasig political giant: "You have proven that FAITH should be BIGGER than our fears."
PHOTO/S: @marasotto via @vicosotto Instagram

Buo ang suportang natanggap ni Vico Sotto mula sa kanyang half-siblings na sina Oyo, Danica, at Paulina Sotto.

Si Vico ay anak ni Vic Sotto sa dating Eat Bulaga! co-host na si Coney Reyes.

Nanilbihang konsehal ng Pasig City si Vico mula 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Ngayong May 13, 2019 elections, si Vico Sotto ang nanalong mayor ng Pasig City.

Makasaysayan ang pagkapanalo ni Vico dahil siya ang tumibag sa 27-taong pamumuno ng pamilya Eusebio sa Pasig.

Base sa partial and unofficial results, humigit kumulang 100,000 boto ang lamang ni Vico laban sa kanyang mahigpit na kalaban na si reelectionist Mayor Bobby Eusebio.

DANICA SOTTO

Una na rito si Danica Sotto-Pingris, na nagkuwento na noong panahon ng pangangampanya ay nag-alala siya dahil sa higpit ng labanan sa Pasig City.

Si Danica ay panganay na anak ni Vic sa first wife niyang si Dina Bonnevie.

"Wohoooo!!! It’s official!!!! I must admit that there were times when some of us felt worried and scared especially during the campaign period.

Continue reading below ↓

"Maraming nag alala at nagdasal para sayo. Mabigat ang kalaban pero di kayo sumuko.

"You have proven that FAITH should be BIGGER than our fears.

"I thank God for your heart to serve. I know that he will use you to transform this nation.

"Congratulations, Mayor Vico Sotto! We will always be here to support you! Love you! @vicosotto#toGODbetheGlory #ibana"

Nagbigay-pugay rin si Danica sa ina ni Vico na si Coney dahil sa magandang pagpapalaki nito sa anak.

"Congratulations also to Tita @coneyreyes -Thank you for raising him well. There is really power in prayer.

"Congrats also to Ate @carlamumar, Kuya @lamumar and thank you for always guiding Vico.

"And of course to our Daddy @mzet280!! Congratulations and thank you for your never ending love and support. Thank you LORD!

"Congratulations Team Vico sa mga Ate at Kuys! Salamat!!! @officialmalou .

"Sa mga nagdasal, tumulong at sumuporta, Maraming Salamat sa inyo!!!! #pasigisreadyforchange#proudpasigueña"

Continue reading below ↓

https://www.instagram.com/p/BxcErQKgCR9/

PAULINA SOTTO

Pinatotohanan naman ni Paulina Sotto-Llanes na hindi lang basta masipag sa trabaho si Vico, mayroon din daw itong busilak na puso at tunay na mapagmahal na kapatid sa kanila.

Si Paulina ay anak ni Vic sa ex-girlfriend nitong si Angela Luz.

"So sooooo proud of you brother!!!!!!!

"From annoying Kuya to MAYOR OF PASIG!!!!!! All your hard work truly paid off!!!

"So many exclamation points because I’m so happy for you!!!!!!!! Don’t be mean to me na," post ni Paulina sa kanyang Instagram account, noong May 14.

Continue reading below ↓

Ipinakita rin ni Paulina ang kuwelang ugali ni Vico sa video kung saan ginulat ng binata ang kanyang kapatid.

Pasimpleng nakaabang si Vico sa labas ng pintuan ng kuwarto ni Paulina at may nakahandang cell phone para ma-record ang gulat na reaksiyon ng dalaga.

Paglabas ni Paulina ay nagulat siyang naroon pala si Vico para bisitahin siya.

Caption pa ni Paulina, "Proof of: annoying Kuya and now Mayor of Pasig!!!!!!"

Continue reading below ↓

Sabi naman ng ina ni Paulina na si Angela, nasaksihan niya kung gaano kabait na kapatid si Vico.

"I'm sad that you probably won't have much time for @paulinavls now, but so happy for you, and for our country, and most especially the city of Pasig!

"@vicosotto I probably can't say much about your political career, but all I know is that you have been an amazing brother to my daughter... always there to support her in all her endeavours...

"even if Mina calls you annoying, I know she has been so happy to enjoy such a close relationship with you."

Hindi rin daw siya itinuring na iba ni Vico kahit hindi siya ang ina nito.

"And on my part, you have always been so nice to me, so respectful... never judgemental about my past history, but just so warm that I was always comfortable in your presence.

Continue reading below ↓

"It takes a man with a good heart to become a great leader.

"Congratulations on your landslide victory... so well-deserved. And I have every ounce of faith in you, and know in my heart that one day you will become PRESIDENT!

"Now more than ever, I am proud to say you are my favorite Sotto... and soon the whole country will know why.

"I know in my heart that you will be one of the most beloved Mayors in Philippine history. ?? Congratulations!!!"

Continue reading below ↓

OYO SOTTO

Ang isa pang kapatid ni Vico na si Oyo Sotto, bunsong anak ni Vic kay Dina, ay nauna nang nagpaabot ng pagbati sa pagkapanalo ng binata bilang mayor ng Pasig.

Si Oyo ang isa sa mga nag-post ng pasasalamat ni Vico noong unang bugso ng balitang lamang siya sa partial and unofficial results ng eleksyon sa Pasig.

Masayang pagbati pa ni Oyo sa kapatid, "congratulations @vicosotto! God is good!"

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Danica Sotto on brother Vico defeating a Pasig political giant: "You have proven that FAITH should be BIGGER than our fears."
PHOTO/S: @marasotto via @vicosotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results