Chie Filomeno explains why she got a nose job

by Arniel C. Serato
May 16, 2019
GT member Chie Filomeno on cosmetic surgery: "Kung ikaka-confident mo yun, why not do it kasi yun ang magpapasaya sa iyo and alam mo what’s best for you.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Ipinaliwanag ni Chie Filomeno kung bakit siya nagdesisyong ipaayos ang kanyang ilong.

“There’s a story behind it," simula ng 22-year-old GT (dating GirlTrends) member sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Kasi nung ipinanganak ako, I was born in Japan, gusto ni Mommy normal delivery.

“It took her siguro whole day mag-labor, hindi kaya.

“If 50-50 na kailangan ko na lumbas so emergency CS [caesarean] ako.

“Since emergency, yung doctor, pagkahiwa niya, natamaan yung ilong ko.

“'Tapos sabi nila, mag-regenerate daw kasi baby pa naman daw ako.

“So, okay, sige, sige, sige...

"I was 14, wala... Ganito, ano pa rin siya, hindi pa rin tumubo yung buto.

“Si Mommy ko, Daddy ko lahat matangos ilong, e. So, yung sa akin, tinamaan siya.

“If you can see, there’s a scar here, 'yan yung tama ng scalpel.”

Nagawa lamang daw niya ito upang maisaayos ang bridge ng kanyang ilong.

“Hindi siya vanity,” diin ni Chie.

Continue reading below ↓

“Well, kahit vanity, yun yung [dahilan] kung bakit naging confident ako, e.

“Naging confident dun, naging confident ako dahil napaayos ko yung insecurity ko.”

FOR YOUR CONFIDENCE

Para kay Chie, hindi masama ang magpaayos ng mga parte ng iyong katawan kung ito ay makapagbibigay ng confidence sa tao.

Saad niya, “Hindi naman sobra, pero some people are closed-minded about surgery.

“Enhancing something sa face mo na gusto mo maging confident, that's something... kung nagawa mo man yun, it doesn’t make you less of a person.

“Kung ikaka-confident mo yun, why not do it, kasi yun ang magpapasaya sa iyo and alam mo what’s best for you.”

Paglilinaw naman ni Chie, kahit malaki tingnan ang kanyang dibdib ay hindi ito gawa ng sensiya, kundi dulot ng wonder bra.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GT member Chie Filomeno on cosmetic surgery: "Kung ikaka-confident mo yun, why not do it kasi yun ang magpapasaya sa iyo and alam mo what’s best for you.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results