Bong Revilla vows to perform as lawmaker: 'Hindi tayo magsasayaw diyan.'

by Bernie V. Franco
May 20, 2019
Although memes of his campaign ad showed him dancing to "budots," Ramon "Bong" Revilla Jr. presents himself as a serious legislator worthy of the votes that will return him to the Senate.
PHOTO/S: Grabbed from Magandang Buhay

Sa kabila ng pangungutya kay senatorial candidate Ramon “Bong” Revilla Jr. dahil sa kanyang “budots” dance campaign ad, tiniyak nitong magtatrabaho siya sa Senado at hindi lang magsasayaw.

Ayon kay Revilla, posibleng ang kanyang "budots" campaign ad ay nakatulong nang malaki para makapasok siya sa Magic 12 ng senatorial race ng 2019 midterm elections.

"Siyempre malaking bagay din yung mga ad, yung budots, malaking bagay din.

"Hindi ko malaman kung yun ba ay positive or negative.

"Hindi ko alam kung nakadagdag ba yun o nakatawag ng boto," ani Revilla sa panayam niya sa DZMM noong nakaraang linggo.

Sa partial and official tally ng Commission on Elections (Comelec) nitong May 20, Lunes, nasa ika-11 na puwesto si Revilla.

Narito ang Top 12 senatorial candidates ayon sa pagkakasunud-sunod: Cynthia Villar, Grace Poe, Bong Go, Pia Cayetano, Bato Dela Rosa, Sonny Angara, Lito Lapid, Imee Marcos, Francis Tolentino, Koko Pimentel, Bong Revilla, at Nancy Binay.

Continue reading below ↓

Sa kanya namang interview sa DWIZ nitong May 18, Sabado, idiniin ng actor-politician na hindi siya masamang tao.

“Hindi po ako magnanakaw at hindi po ako masamang tao,” pahayag nito.

Sabi pa ni Revilla, ang napipintong pagbabalik niya sa Senado ay kanyang ilalaan sa paggawa ng batas.

“Well, you know, kung papa'no ako magtrabaho, kung anuman ang komite nating mahawakan ay tayo ay magsisilbi sa bayan.

“Tayo'y magpe-perform sa Senado, hindi tayo magsasayaw lang diyan," ani Revilla.

Sa social media, lumabas ang memes ni Revilla kung saan ipinapakita siyang sumasayaw sa tugtog ng budots.

Ito naman ang mensahe ni Revilla sa kanyang mga kritiko: “Don’t worry dun sa mga ano... tuturuan ko sumayaw ng budots para di sila masyadong seryoso sa buhay.”

Bukod sa kanyang viral ad campaign, naniniwala si Revilla na ang pagbasura ng Sandiganbayan sa kaso niyang plunder ang isa pang nakatulong para iboto siya.

Continue reading below ↓

December 2018 nang hatulang “not guilty” si Revilla sa kasong plunder sa pagkakadawit niya sa bilyun-bilyong halaga ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork-barrel scam noong 2013.

Si Revilla ay inakusahang nagbulsa umano ng PHP224 milyong kickback mula sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles, na lumikha raw ng bogus projects para maibulsa ang PDAF.

Si Napoles ang itinuturong mastermind ng pork-barrel scam.

Na-detain si Revilla sa Camp Crame simula 2014.

Nahaharap pa rin siya sa 16 graft charges hinggil sa pork-barrel scam.

Inaasahan namang ipoproklama ang mga nanalong senador sa darating na weekend.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Although memes of his campaign ad showed him dancing to "budots," Ramon "Bong" Revilla Jr. presents himself as a serious legislator worthy of the votes that will return him to the Senate.
PHOTO/S: Grabbed from Magandang Buhay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results