It’s Showtime director Bobet Vidanes issues cryptic statement about ABS-CBN 65th anniversary

by Arniel C. Serato
May 25, 2019
It's Showtime director and show creator pledges support to ABS-CBN amid controversy over Jimmy Bondoc's post.
PHOTO/S: Courtesy: Bobet Vidanes / ABS-CBN News on Facebook

Ngayong taon ay ipagdiriwang ng ABS-CBN ang kanilang ika-65 taong anibersaryo.

Ngunit, nabahiran ng kontrobersiya ang pangalan ng istasyon nang mag-post ang singer at Assistant Vice President for Entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Jimmy Bondoc ng kanyang opinyon ukol sa isang "giant network" na baka raw magsasara na.

Bahagi pa ng post ni Jimmy, “I am so excited to see the biggest tv network close down.”

“I AM EAGERLY AWAITING YOUR DEMISE.

"I know how this sounds. And I know the nasty comments which are bound to come. I don't care."

Hindi man pinangalanan ni Jimmy ang nasabing istasyon, sinagot naman ito ng The General’s Daughter actress na si Angel Locsin.

Ayon pa sa post ni Angel sa Twitter noong Huwebes, May 23, "Let me be the one to break this news to you so you don’t have to make excuses.

Continue reading below ↓

"The network might not be perfect but for you to be happy about thousands of people losing their jobs is pure evil.

"Maybe you’re just having a bad day. I will pray for you.

"Nung sumikat ka ba may na experience ka na sexual harassment? If yes i encourage you and all the victims to report this to the police.

"But generalizing that sexual favor is a prerequisite to success is just wrong."

“KAHIT MAGWALIS AT MAGSAKA…”

Marami na ring artista ang nagtanggol sa ABS-CBN tungkol sa post ni Jimmy. Kabilang sa kanila sina Sunshine Cruz, Dreamscape Head Deo Edrinal, at Angeline Quinto.

May mga posts na rin sina Coco Martin, John Prats, JM de Guzman, Richard Gomez, Derek Ramsay, Kim Chiu, at marami pang iba.

Marami pang talent at artista ang naghayag ng kanilang pasasalamat sa ABS-CBN dahil sa saya at kabuhayang naibigay nito sa kanila.

Continue reading below ↓

Ngayong araw, May 25, sa live episode ng It’s Showtime, nagbigay ng maiksing pahayag ang show creator at direktor ng palabas na si Bobet Vidanes.

Sabi ni Direk Bobet sa segment na "Bidaman" kung saan isa siya sa mga hurado, “65 taon na pong nagseserbisyo ang ABS-CBN.

"ABS-CBN di bale, kahit na magwalis na tayo at magsasaka na lang tayo, sama-sama pa rin tayo.”

Sinang-ayunan naman ito ng mga hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Anne Curtis.

Dagdag pa ni Vice, “Masarap kaya magsaka basta may kasama ka.”

Matatandaang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na tututulan niya na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN na magtatapos sa susunod na taon.

Dadaan sa Kongreso ang usapin tungkol sa bagong permit to broadcast ng istasyon at dapat pipirmahan ito ng pangulo.

Ngunit, bukambibig ni Duterte na haharangin niya ito dahil ginantso umano siya ng istasyon noong 2016 elections dahil hindi nito inere ang kanyang political ad kahit na bayad na raw ito.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime director and show creator pledges support to ABS-CBN amid controversy over Jimmy Bondoc's post.
PHOTO/S: Courtesy: Bobet Vidanes / ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results