Kapuso actress Kelly Day admits breakup with Kapamilya actor Tommy Esguerra

by Rommel Gonzales
May 30, 2019
Kelly Day on ex-boyfriend Tommy Esguerra: "We grew a lot together and, I mean, even after nag-break kami, nag-hang out pa kami together, we went out to dinner."
PHOTO/S: Noel Orsal

Lingid sa kaalaman ng marami, nagkaroon pala ng relasyon ang Kapuso actress na si Kelly Day at ang Kapamilya model-actor na si Tommy Esguerra.

Pero ayon kay Kelly, break na sila ni Tommy.

“Kaka-break lang namin a couple of weeks ago,” pag-amin ng newbie actress nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Kapuso afternoon drama series na Dahil Sa Pag-ibig noong May 15.

Nasa ABS-CBN pa raw si Kelly noong naging sila ni Tommy, at halos dalawang taong tumagal ang relasyon nila.

Si Kelly ang sumunod na naging girlfriend ni Tommy pagkatapos ng relasyon ng model-actor sa co-housemate niya sa Pinoy Big Brother: 737 na si Miho Nishida.

Bakit sila nag-break ni Tommy?

Sagot ni Kelly, “Wala lang, just to focus on ourselves. Pero we’re still friends.”

Maayos daw ang kanilang hiwalayan. Mutual ba ang kanilang desisyon?

“Kind of, parang… mas ako.

Continue reading below ↓

“Pero nung in-explain ko sa kanya kung bakit, parang… naintindihan niya. Na we just have to focus on ourselves.

“And so, ayun, para sa kanya... now he’s in America with his family, spending time with his family,” saad ng dalaga.

Babalik naman daw si Tommy sa Pilipinas matapos ang ilang buwan.

Ayon pa kay Kelly, “Pero siyempre, di ba, in a relationship, and super-close kayo, ayaw mong umalis, like, so I was really pushing him to spend time with his family and focus on himself, kasi super important yun.

“Kasi sometimes, in a relationship, you get very involved in the relationship, you forget yung ibang important things sa buhay mo.”

Hindi ba siya nanghihinayang sa dalawang taon nilang relasyon?

Sagot ni Kelly, “Well, sa akin, hindi sayang kasi I learned a lot from him.

“And I think he also… we grew a lot together and, I mean, even after nag-break kami, nag-hang out pa kami together, we went out to dinner.”

Continue reading below ↓

Wala bang second chance?

“Sa ngayon siguro, hindi, kasi after yung breakup, I was really able to focus on myself.

“So, I feel good, especially we have this show and I just really want to focus on that.”

FORMER GIRLTRENDS MEMBER

Bago lumipat si Kelly sa GMA-7, isa at kahating taon siyang naging parte ng grupong GirlTrends ng It’s Showtime.

Nag-resign siya sa grupo, naging solo star, at naging Kapuso matapos ang ilang buwan.

Sabi nga ni Kelly, “I wanna try something new.”

Maayos daw ang pag-alis niya sa kanyang dating grupo.

Paniniguro niya, “No bad blood or anything.

“They understood naman kung bakit gusto kong umalis, and sobrang thankful ako sa opportunity.

“And I really learned a lot sa GirlTrends kasi doon yung first appearance ko sa TV, first work sa showbiz.”

Commercial model si Kelly bago naging artista.

Continue reading below ↓

March 2017 naging Kapuso si Kelly.

Yearly ang kontrata ni Kelly sa GMA-7.

Ang Prima Stella Talent Management ang agency niya at co-managed siya ng GMA Artist Center, tulad ng Kapuso hunk na si Matthias Rhoads.

Half-British, half-Filipina si Kelly na. Pero sa Dubai siya lumaki.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelly Day on ex-boyfriend Tommy Esguerra: "We grew a lot together and, I mean, even after nag-break kami, nag-hang out pa kami together, we went out to dinner."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results