Lindsay Custodio still mourns death of politician-husband

by Arniel C. Serato
May 31, 2019
Lindsay Custodio on late husband and former Tanuan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon II: "His legacy will forever live on in all the wonderful things he’s done in service not only for his family but also as a public servant."
PHOTO/S: Courtesy: @lindsaycustodioplaton on Instagram

Unti-unti nang nangmu-move on ang dating aktres na si Lindsay Custodio-Platon mula sa biglaang pagpanaw ng asawa nitong si dating Tanuan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon II.

Inatake sa puso si Platon habang nagmamaneho sa South Luzon Expressway (SLEX), bandang Sucat, Muntinlupa, noong November 19, 2018.

Naisugod pa raw si Platon sa Asian Medical Center sa Alabang, ngunit tuluyan itong binawian ng buhay noong araw ding yun.

Siya ay 43 years old.

Naulila niya ang asawang si Lindsay at ang dalawa nilang anak na sina Sean at Reese Platon.

Nitong Miyerkules, May 29—o anim na buwan makalipas ang pagpanaw ng asawa—nag-post si Lindsay ng inspirational quote mula kay St. Therese of Avila.

Sabi rito, “Pain is never permanent.”

Continue reading below ↓

Sa comments' section, naghayag ng suporta ang mga kaibigan ni Lindsay sa kanyang pinagdaanan.

MOMENTS OF GRIEF

Noong ipinagluluksa ni Lindsay at ng kanyang pamilya ang pagpanaw ni Platon, hindi naging publiko ang mga kaganapan dahil pinili nilang pribado ang lamay.

Naka-private din ang Instagram account ni Lindsay kaya ang mga followers lamang nito ang mga nakakakita ng update sa pagpanaw ng asawa.

Ngunit habang isinusulat ang artikulong ito ay makikitang naka-public setting na muli ang account ng dating aktres.

Ang huling post ni Lindsay bago pumanaw si Platon ay noong November 10, 2018, kung saan nag-date pa silang mag-asawa.

Continue reading below ↓

Ang kasunod niyang post ay nito lamang February 22, 2019, o mahigit tatlong buwan matapos pumanaw si Platon.

Dito ay nagpasalamat si Lindsay sa lahat na nagbigay ng respeto sa panahong nagluluksa ang kanilang pamilya.

Sabi ni Lindsay, “'Romans 14:8 For if we live, we live to the Lord, and if we die, we die to the Lord.

"So then, whether we live or whether we die, we are the Lord’s.'

"We cannot always understand the Lord’s plan for us but what I have always believed in is His everlasting love and power.

"He has blessed me so much with a love like no other and I will forever be grateful for the time I was given with my beloved Julius.

"His sudden passing has left an irreplaceable void in our lives but we find comfort in knowing he has returned into the arms of our Creator.

"During his time here with us he was the most kindhearted, loving, and amazing husband, father, son, brother, and friend.

Continue reading below ↓

"His legacy will forever live on in all the wonderful things he’s done in service not only for his family but also as a public servant.

"I’d like to thank everyone for respecting our family’s need for privacy in this most difficult time and for all your prayers, words of comfort and loving kindness.

"We are always so grateful.”

Continue reading below ↓

REMEMBERING THE "LOVE OF MY LIFE"

Nitong nakaraang March 18, nagbahagi naman si Lindsay ng larawan nila ng asawa.

Ito ang ika-apat na buwan simula ng pumanaw ito.

Saad niya sa caption, “4 months today.”

Ikinasal si Lindsay at Platon noong nakaraang December 19, 2000.

Ngayong taon sana ang ika-19 na taong pagsasama nila bilang mag-asawa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lindsay Custodio on late husband and former Tanuan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon II: "His legacy will forever live on in all the wonderful things he’s done in service not only for his family but also as a public servant."
PHOTO/S: Courtesy: @lindsaycustodioplaton on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results