Glaiza de Castro opens up about long-distance relationship with Irish boyfriend

by Bernie V. Franco
Jun 3, 2019
Kapuso actress-singer Glaiza de Castro opens up about long-distance relationship with Irish boyfriend, David Rainey.
PHOTO/S: Bernie Franco / @david_rainey89 on Instagram

“Ang hirap!”

Ito ang sagot ni Glaiza de Castro, 31, nang matanong kung gaano kahirap ang pagkakaroon ng isang long-distance relationship.

Karelasyon ni Glaiza ang Irish na si David Rainey.

Pagkumpirma ng Kapuso singer-actress, higit sa isang taon na silang magkarelasyon ni David.

January 2019 nang mag-post si Glaiza sa Instagram upang opisyal na ipakilala sa publiko ang kanyang boyfriend.

Kasalukuyang nasa Ireland si David, sabi ni Glaiza.

“He’s from Ireland, so based siya sa Belfast, at sa Donegal.

“Pero yung sisters niya ay based sa London. Kaya minsan nagpupunta-punta rin siya doon,” pahayag ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa release ng kanyang single na “Kapalaran” nitong May 31, Biyernes.

Si Glaiza mismo ang nag-compose ng kanta na inilabas ng PolyEast Records.

GLAIZA INTRODUCES BF TO FRIENDS

Kinumpirma rin ni Glaiza na naipakilala na niya si David sa mga kaibigan, kabilang na ang best friend niyang si Angelica Panganiban.

Continue reading below ↓

“Oo, pinafa-follow na niya sa Instagram. Okay naman.

“Nagkita sila nung last event namin sa Baler… nagpunta si Angel.

“'Tapos ang saya ng event na yun kasi lahat ng kaibigan ko nandun.

“Ang layu-layo. Kumbaga, nag-travel sila ng six hours para magpunta dun, so dream come true.”

Kuwento pa ng Kapuso actress, ilang beses nang nakabisita sa Pilipinas si David.

“Siguro nakaka-apat na beses na siya ng punta dito.

“Ngayon, nasa Ireland siya kasi may work siya dun.

“So, last year nagpunta siya. ‘Tapos ang tagal naming apart. Siguro ilang months... siguro seven, eight months, ganun.

“'Tapos nagkita kami nung September [2018]."

This year, dalawang beses na raw nakabalik ang kanyang boyfriend sa Pilipinas.

"And then pumunta siya ng January, and then recently nung May.”

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP

Kapag magkalayo, nakakapag-usap daw sila sa pamamagitan ng messenger apps, kagaya ng WhatsApp at FaceTime.

Continue reading below ↓

“Nung ginagawa ko yung Contessa, halos araw-araw din akong nagtatrabaho, so parang convenient yun for us, kasi hindi kami pressure to meet up o wala ka nang time, kasi seven hours yung difference.”

Ang Contessa ay ang afternoon Kapuso teleserye na pinagbidahan ni Glaiza noong 2018.

“So minsan, kapag nagti-taping ako 3 A.M. na, 4 A.M. na, sa kanila maaga pa yun.

"So, parang nagkakatulungan kami, na [he is] helping me with my work, kasi kailangan kong magising pa.

“'Tapos siya minsan kailangan niya ng alarm clock, tinatawagan ko siya.

“Masaya pero mahirap,” paglalarawan ni Glaiza sa relasyon nila ni David.

Wala pa raw silang balak lumagay sa tahimik, lalo pa’t may planong mag-aral sa ibang bansa ni Glaiza.

“Sa totoo lang, gusto ko munang tapusin ang school ko. Gusto kong mag-ipon pa.

“Hindi naman ako in a hurry to have a marriage or to settle down. Kasi ngayon, okay naman lahat,” sabi ni Glaiza.

Continue reading below ↓

Planong kumuha ni Glaiza ng short course sa music sa London at magtatagal daw ito ng tatlong buwan.

Pinayagan daw siya ng GMA Network sa kanyang plano at magpapahinga muna sa pag-arte.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress-singer Glaiza de Castro opens up about long-distance relationship with Irish boyfriend, David Rainey.
PHOTO/S: Bernie Franco / @david_rainey89 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results