Lindsay Custodio tries to stay strong for children after husband's death

by Arniel C. Serato
Jun 3, 2019
Lindsay Custodio-Platon on husband's, former Tanuan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon II, sudden demise: "I am trying to stay strong for my children."
PHOTO/S: Courtesy: @lindsaycustodio on Instagram

Nagpaunlak ng isang maiksing panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lindsay Custodio-Platon, 40, anim na buwan makalipas ang biglaang pagpanaw ng asawa niyang si dating Tanuan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon II noong November 19, 2018.

Sa maiksing tugon niya sa mensahe ng PEP.ph sa Instagram noong Biyernes, May 31, sinabi ni Lindsay na patuloy pa rin siya at ang kanyang dalawang anak sa pagmu-move on.

Kailangan daw niyang tanggaping wala na ang ama ng kanyang dalawang anak na sina Sean at Reese Platon.

Pahayag ng dating Kapamilya star, “By God’s grace… the kids and I are ok… I am trying to stay strong for my children.

“It’s very hard to be without my husband Julius…

“But i have no choice but to accept the reality that he’s gone…

“They say that there’s a reason for everything… and that everything happens according to God’s will.”

Continue reading below ↓

Ipinauubaya na raw ni Lindsay sa Diyos ang lahat.

“I couldn’t understand the reason why... but I trust and believe in the Lord…

“I surrendered everything to Him and to Our Lady,” saad ng dating AngTV star.

Matatandaang inatake sa puso si Julius habang nagmamaneho sa South Luzon Expressway (SLEX), bandang Sucat, Muntinlupa, noong November 19, 2018.

Naisugod pa siya sa Asian Medical Center sa Alabang, ngunit tuluyan siyang binawian ng buhay noong araw ring iyon.

Si Julius ay 43 years old nang pumanaw.

Ngayong taon sana ang ika-19 anibersaryo nina Lindsay at Julius bilang mag-asawa.

Ikinasal sila noong December 19, 2000.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lindsay Custodio-Platon on husband's, former Tanuan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon II, sudden demise: "I am trying to stay strong for my children."
PHOTO/S: Courtesy: @lindsaycustodio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results