Ethel Booba, pro-Duterte blogger engage in word war over ABS-CBN issues

by Rachelle Siazon
Jun 4, 2019
Ethel Booba on blogger Sass Sasot criticizing the comedienne for siding with ABS-CBN: "Hi Miss @srsasot please read some of my tweets na sabi ko if may totoong utang edi pagbayarin para di magsuffer mga employees nila. Hello bakit ako matatakot di makatungtong sa Dos ano sila langit? Charot!"
PHOTO/S: Instagram

Inalmahan ni Ethel Booba ang tirada ng pro-Duterte blogger na si Sass Rogando Sasot na kinakampihan diumano ng sexy comedienne ang ABS-CBN sa pending franchise renewal ng network sa 2020.

Nag-ugat ito sa pagkondena ni Ethel kay Jimmy Bondoc, na nagsabing "excited" itong magsara ang "biggest TV network," na sangkot diumano sa iba't ibang insidente ng pang-aabuso ng kapangyarihan nito.

Ang siste, wala pang garantiya kung maaaprubahan ang prangkisang hinihingi ng ABS-CBN upang patuloy itong umere, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Ethel, maraming empleyado ang ABS-CBN na mawawalan ng trabaho sakaling hindi ma-renew ang prangkisa ng kumpanya.

Continue reading below ↓

ON ABS-CBN'S UTANG, EMPLOYEE ISSUES

Isang netizen ang sumundot ng tanong kay Ethel hinggil sa isyung hindi dapat palampasin ang diumano'y malaking pagkakautang ng Kapamilya network sa gobyerno.

Sa puntong ito, sang-ayon si Ethel na dapat bayaran ng ABS-CBN kung anuman ang pagkakautang nito.

"If may utang ang company tama lang na kasuhan ng gobyerno para magbayad.

"Yung mga artista & executives dyan kahit magsarado yan may pera karamihan sa kanila pero paano yung maliliit na empleyado?

"Sa totoo lang napakadami nila dyan. Di ko lang mabilang mahina ako sa Math. Charot!"

Continue reading below ↓

Sinagot din ni Ethel ang isa pang netizen na nagparating ng reklamong hindi marunong mag-alaga ng maliliit na empleyado ang ABS-CBN.

"Paging if part time lang ang isang employee make sure na yung work load nila ay naayon sa sweldo nila.

"Walang part time na 6AM to 3AM dapat.

"You can investigate why ganon ginawa sa employee. Yan ang Facebook account kayo na kumausap. Charot!"

Continue reading below ↓

ETHEL VERSUS SASOT WORD WAR

Sa puntong ito tinuligsa ni Sasot ang pagiging maka-ABS-CBN umano ni Ethel.

Sa pamamagitan ng Facebook, sinagot ni Sasot si Ethel kalakip ang ulat ng Philippine Daily Inquirer tungkol sa diumano'y hindi pagbayad ng ABS-CBN sa inutang nitong PHP1.6 billion sa Development Bank of the Philippines.

"Hi Ethel Booba! Ano raw masasabi mo sa utang ng mga Lopezes sa ating gobyerno? Tablahin na lang natin?"

Continue reading below ↓

Sagot ni Ethel, hindi sagot ang pagpapasara sa ABS-CBN sa isyung may malaki itong pagkakautang sa gobyerno.

"Hi Miss if may utang ang mga Lopez e di pagbayarin. Siguro naman may batas tayo para dyan.

"Ano naman masasabi mo sa mga mawawalan ng trabaho? Tablahin na lang natin? Charot!"

Continue reading below ↓

Kinontra ni Sasot ang depensa ni Ethel sa ABS-CBN.

Ani Sasot, kargo ng ABS-CBN kung anuman ang mangyari sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho sakaling hindi mabigyan ng prangkisa ang network.

Tirada ni Sasot kay Ethel:

"Kung magsara ang ABS-CBN dahil di na approve ang franchise nila dahil ayaw bayaran ng Lopezes ang utang nila sa gobyerno, ang mga Lopezes po ang nanabla sa mga workers nila.

"BAKIT mo sa atin pinapasa ang responsibilidad ng ABS-CBN?

"Takot ka sis na di na makatuntong sa Dos? Yung Totoo?"

Ganting-sagot ni Ethel, wala siyang personal na interes sa kanyang mga pahayag kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng Kapamilya network.

"Hi Miss please read some of my tweets na sabi ko if may totoong utang edi pagbayarin para di magsuffer mga employees nila.

"Hello bakit ako matatakot di makatungtong sa Dos ano sila langit? Charot!"

Continue reading below ↓

Sabi pa ng comedian, "Kasuhan nyo dahil kung idadaan nyo sa tamang batas e magkakabayaran kayo kung totoong may utang. Huwag puro trial by publicity. Charot!"

Giit pa ni Ethel, nauna na niyang sinagot ang isyung dapat bayaran ng ABS-CBN kung may utang man ito sa gobyerno.

"Magbayad na nga kayo kung totoong may utang kayo. Kawawa naman mga empleyado dagdag pa sa aming mga walang trabaho.

Continue reading below ↓

"Malaki na ata kinita ng TV Plus. Charot!"

Inalmahan din ni Ethel ang pagdagsa ng bashers sa kanyang Twitter account dahil sa salungat na posisyon nila ni Sasot kaugnay ng issues ng ABS-CBN.

"Sunod sunod yung pagdating ng mga attack dogs huh.

"Mukhang kasama sa payroll nila ang pambabash sa amin ni Angel Locsin. Alam naman natin na ibang mga PR company dyan ang may hawak sa ganyang trabaho. Charot!"

Si Angel ay isa sa mga artistang tahasang dumepensa sa ABS-CBN nang tawagin ni Jimmy na "snake pit" ang network.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ay nagpatutsada si Ethel na kung utang sa gobyerno lang ang usapan ay bakit may kinikilangan umano si Sasot na pamilyang nangurakot sa gobyerno.

"Kung totoong concern ka sa mga utang sa gobyerno Miss bakit suportado mo ang isang pamilya na may kaso ng graft and corruption at never ka umalma sa utang nila sa mga Pilipino. Beket? Charot!"

Continue reading below ↓

ETHEL DISMISSES SASOT'S GHOST WRITER ALLEGATION

Hindi pa rin dito natigil ang sagutan nina Ethel at Sasot.

Kinuwestiyon ni Sasot ang kredibilidad ni Ethel na gumagamit diumano ng ghost writers sa paghayag ng kanyang mga opinyon sa Twitter.

"Paging Ethel Booba, mag-LIVE ka raw minsan, tapos candid na Q&A about different political issues para ma-dispel ang hinala na hindi ikaw ang nagsusulat sa Twitter mo."

Continue reading below ↓

Sa parte ni Ethel, idinaan niya sa biro ang kanyang sagot sa patutsada ni Sasot.

Sunud-sunod na tweets ng comedienne:

"Di pa pala sila tapos sa issue nila. Samantalang ako dito panood nood na lang ng TV. Pasabi wag nila pangunahan mga desisyon ko sa buhay. Charot!

"Buhay pa sila hindi sila ghost kaya wag kayong ano dyan. Charot!

"Ghost buster po meron. Charot!"

Pero paglilinaw ni Ethel, "fake news" ang alegasyong "bayad" ang kanyang tweets.

"Cyst nagtawag ka daw ng mga kakampi sunod ang iba nagsasabi pa na bayad ang mga tweets ko.

"Fake news pa din pala ang weapon nyo hanggang ngayon. Charot!"

Continue reading below ↓

Sa huli, humirit si Sasot na puwede nang magka-radio show si Ethel dahil sa umano'y pagsawsaw nito sa mga isyung politikal.

"Sana bigyan ng radio show si Ethel Booba, political commentary. Malalas naman hatak nya, ipangtapat sa Karambola," patutsada ni Sasot.

Sabi naman ni Ethel, "Tag mo Cyst diba malakas ka? Naalala ko inofferan ako ng isang sikat na newspaper na magkaroon ng sariling column sayang di lang natuloy. Gawin sana kitang ghost writer. Charot!"

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba on blogger Sass Sasot criticizing the comedienne for siding with ABS-CBN: "Hi Miss @srsasot please read some of my tweets na sabi ko if may totoong utang edi pagbayarin para di magsuffer mga employees nila. Hello bakit ako matatakot di makatungtong sa Dos ano sila langit? Charot!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results