Ai-Ai delas Alas, Bayani Agbayani defend fellow celebs who joined Duterte in Japan

by Arniel C. Serato
Jun 7, 2019
Ai-Ai delas Alas, Bayani Agbayani defend fellow celebrities who were part of President Duterte's delegation in Japan.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagsalita sina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani tungkol sa isyu ng mga artistang kasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan.

Matatandaang nagpunta si Pangulong Duterte sa Japan para sa apat na araw na working visit noong May 28 hanggang May 31.

Kasama ng Pangulo ang 200 delagasyon, na binubuo ng halos 20 miyembro ng kanyang gabinete at ilang artistang sumusuporta sa kanya mula pa noong 2016 elections.

Kabilang sa mga artistang nakasama sa delegasyon ay sina Bayani, Robin Padilla, Phillip Salvador, Michael Pangilinan, Mart Escudero, at ang engaged couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Binatikos ng ilang netizens ang mga artistang kasama sa delegasyon dahil ang ipinambayad diumano sa kanilang pamasahe papuntang Japan ay mula sa taxpayers' money.

ECONOMY TICKET FOR BAYANI AGBAYANI

Nilinaw ni Bayani na economy ticket lamang ang ginastos ng gobyerno sa kanya, pero ang ticket ng asawang si Lenlen ay kanyang binayaran mula sa sariling bulsa.

Continue reading below ↓

“Actually, hindi ako puwedeng magsalita sa ibang artista, puwede akong magsalita para sa akin," panimula ni Bayani nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng pelikula nila ni Ai-Ai, ang Feelennial (Feeling Millennial), nitong Biyernes ng tanghali, June 7.

“Kasi alam mo namang ang mga artista kapag lumalabas sa ibang bansa ay kanya-kanya sila ng deal, e.

“Ang deal ko is magpasaya ng mga kababayan natin sa ibang bansa, ito po ay bayad dapat talaga naman ng kung sinong magdadala sa amin dun.

“Hindi naman pupuwedeng kami pa rin.

“Pero ang mahalaga po nito, nasa economy kami, ako ang nagbayad sa asawa ko dahil isinama ko.

"Pero hindi niyo po kasi alam kung magkano po ang ibinabayad sa amin kapag nag-a-abroad kami.

“Ito po, libre, walang bayad. Walang bayad kahit singko.

"Alangan namang ako pa po ang magbayad," sabi ni Bayani, na ang tinutukoy ay ang tiket niya sa eroplano.

Continue reading below ↓

WHOLEHEARTED SUPPORT FROM AI-AI

Inimbitahan din si Ai-Ai delas Alas ng opisina ni Senator-elect Bong Go upang sumama sa delegasyon ni Pangulong Duterte, pero hindi siya pumuwede dahil mayroon siyang ibang trabaho.

Ngunit bilang tagasuporta rin ng Duterte administration, ipinagtanggol ni Ai-Ai ang kaibigang si Bayani at ang iba pang mga artistang na-bash dahil kasama sila sa entourage ng Pangulo sa Japan.

Baling ni Ai-Ai, “Or siguro kasi, hindi sa kinakampihan ko si Bayani, kundi artista rin ako at nag-campaign rin ako nun.

"Sa totoo lang, kung bakit kami nandun, kasi nakita namin na hindi sila corrupt, that’s why tumulong kami.

“Kasi alam niyo naman po yun, di ba, na mga artista kami, huwag na tayo magplastikan, kapag ano, babayaran kami.

“Ito lang po, kumbaga, pamasahe lang po ang ibinibigay sa amin or panggasolina.

“Kaya kami tumulong nang buong puso kasi sabi namin sa sarili namin, ‘Ah, hindi corrupt itong mga ito.’

Continue reading below ↓

“Matutuwa naman yung mga kababayan namin sa ibang bansa na mapapanood kami nang libre na nandun kami.”

Kahit hindi nakasama sa Japan, may ipinakiusap daw ang opisina ni Senator Go kay Ai-Ai.

Lahad ng Kapuso comedienne, “Pinapapunta ako ni Senator sa mga nasunugan kaya lang hindi ako puwede.

“Yung mga panahon na yun. Hindi ako sa Japan, pero meron siyang pinapuntahan sa akin, mga nasunugan, kaya lang may work ako.”

Maituturing ba niyang blessing in disguise ang hindi niya pagsama sa Japan dahil hindi siya na-bash?

Matapang na sagot ni Ai-Ai, “E, kahit naman magka-issue, sasagot ako dun. Ako pa ba?

“May pamasahe ako. Tsaka kayo kaya pumunta dun ng ganito, nasa economy kayo, 'tsaka kayo magsalita.

“At saka hindi naman lahat pera, hindi naman lahat kailangang magbayad. Minsan makikisama ka rin.

"At saka minsan yung mga kababayan natin na gusto kang makita...

Continue reading below ↓

"O, di ba, siyempre masarap yung nakakapagpasaya ka ng mga kababayan mo kasi malulungkot yung mga tao dun sa ibang bansa."

MESSAGE TO BASHERS

Hindi raw magpapatinag sina Ai-Ai at Bayani sa bashers. Patuloy lang daw silang susuporta sa kasalukuyang administrasyon.

Mensahe pa ni Bayani, “Kaya yung mga nangba-bash, kaysa mag-bash, tulungan po natin ang gobyerno natin nang umasenso na po ang ating bansa.”

Pagsang-ayon ni Ai-Ai, “Oo, tulungan natin yung gobyerno natin, kasi hindi naman niya puwedeng gawin [mag-isa] 'yan.

“Actually, kahit hindi man si Presidente Duterte 'yan, tulungan pa rin natin kung sino man yung nakaupo.

"Kasi hindi naman uunlad ang bansa natin kung parati tayong mag-aaway, maglalaban.

"Kapag nandiyan na, suportahan natin yung President.

“Totoo yun kapag sinasabi ni Robin para sa bayan, totoo yun.”

FEELENNIAL

Samantala, masaya si Ai-Ai na nakahanap na siya ng panibagong ka-love team sa katauhan ni Bayani.

Continue reading below ↓

Magkasama ang dalawa sa bagong romantic comedy na Feelennial (Feeling Millennial).

Gagampanan ng Comedy Queen ang role bilang si Madame Bato-Bato na iibig sa rich bachelor na si Chito, na ginagampanan naman ni Bayani.

Nami-miss daw ni Ai-Ai ang mga ganitong klaseng pelikula kung saan hindi lamang nanay role ang kanyang gagampanan.

Continue reading below ↓

Kasama rin nila sa cast sina Nar Cabico (Dua), Ina Feleo (Tahoma), Nicole Donesa (Cambria), Jelai Andres (Aerial), Nicole Donesa (Cambria), Sofia delas Alas (Sophia), Skelly Skelly (Dope), Micah Muñoz (Shanty), Arvic Tan (Nico), at Raffy Roque (Efril).

May special participation dito ang co-producer ng pelikula na si Pops Fernandes, ex-husband nitong si Martin Nievera, at si Paolo Ballesteros.

Mula sa Cignal Entertainment at DSL Productions, ipapalabas ang Feelenial simula sa June 19.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas, Bayani Agbayani defend fellow celebrities who were part of President Duterte's delegation in Japan.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results